Gabby Concepcion reunites with estranged daughter Cloie: "Nagkita kami, ang sarap ng feeling."

IMAGE Noel Orsal / Cloie Skarne Instagram

Gabby Concepcion relates his tearful reunion with beauty-queen daughter Cloie Syquia-Skarne, who carries the name of her stepfather: "Umiyak siya… kung ang pagmamahal daw ng tunay na ama ay pareho ng pagmamahal ng stepfather niya. Sabi ko, 'Walang kapalit.'"


Masayang-masaya si Gabby Concepcion na sa wakas ay nakausap at nayakap na niya ang kanyang anak kay Jenny Syquia-Skarne na si Cloie.

Ang anak ni Gabby kay Sharon Cuneta na si KC Concepcion daw ang gumawa ng paraan para maging posible ang paghaharap nila ni Cloie.

Mula noong baby pa ito ay ngayon lang daw sila nagkita.

Sabi ni Gabby, “Yes, nagkita kami, ang sarap ng feeling.

“Umiyak siya… matagal na raw niya iniisip kung ang pagmamahal daw ng tunay na ama ay pareho ng pagmamahal ng stepfather niya.

“Palaging nasa isip niya yun at niyakap ko siya, sabi ko, ‘Walang kapalit.’”

Si Cloie ay lumaki sa Sweden kasama ang kanyang ina at ang kanyang Swedish stepfather.

Pumunta siya ng Pilipinas kamakailan bilang kandidata ng Sweden sa ginanap na Miss Earth 2016, kung saan isa siya sa mga naging semifinalist.

Ayon kay Gabby, gumawa naman daw siya ng paraan noon para mahanap si Cloie sa mahabang panahong wala silang komunikasyon ni Jenny, lalo na nang mag-asawa ito at nagkaroon na sila ng kanya-kanyang buhay.

“Palagi, hinahanap-hanap ko. Siyempre may mga hurdles.

"You can only do so much and the rest, you pray.

“Sabi ko, one day, we will communicate; one day, sila na mismo ang lalapit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa pictorial ng upcoming GMA afternoon series na Ika-6 na Utos, nitong Huwebes, November 17.

GABBY'S OTHER DAUGHTER. Sa pagkikita nila ni Cloie ay naroon din sina KC at Garrie, ang anak naman ni Gabby kay Grace Ibuna.

“Ang sarap, ang sarap!” masayang pahayag ng aktor. “Maski naman si KC, may ganoong feeling.

“Kasi noong araw, pinagsama-sama ko silang tatlo.

“May picture sila, so meron silang bonding kapag nakikita nila yun.

“Sila mismo, ‘Uy, may bonding tayo pero hindi natin nakita.’

“Dahil sa picture, naramdaman lang nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May panibagong picture na magkakasama ang tatlong anak ni Gabby na ngyon ay mga dalaga na.

Lahad ng aktor, “Yung pictures, sinabi ko sa kanila, take all the pictures that you want, pero wala akong kukunin.

“Dahil kapag lumabas ‘yan, ayokong sa akin manggagaling.

“Same thing with KC, sa kanilang tatlo.”

Darating din daw ang panahon para sa group picture na kasama rin ang dalawang anak na babae ni Gabby sa kanyang asawa ngayon na si Genevieve Yatco Gonzalez.

Aniya, “Wala pa yung kaming lahat, hinihintay ko lang ang tamang panahon.

“Nagkita na kami ni Cloie, panahon na lang para magkasama kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN