Vice Ganda, Vhong Navarro saddened by exclusion in MMFF 2016

IMAGE Instagram (@praybeytbenjamin)

Vice Ganda and Vhong Navarro are saddened that their respective movies failed to make it in this year's Metro Manila Film Festival lineup.


Hindi naitago nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang kanyang kalungkutan na hindi nakapasok ang kani-kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Si Vice, kasama si Coco Martin, ang bida sa Super Parental Guidance; habang si Vhong naman ang bida sa Mang Kepweng Returns.

Inanunsiyo nitong Biyernes, November 18, ang walong pelikulang kalahok sa MMFF ngayong taon, kasabay ng pag-i-implement ng bagong mechanics, kagaya ng pagme-merge ng mga mainstream at indie movies.

Hindi nakasama sa Top 8 ang pelikula nina Vice at Vhong.

Read: MMFF 2016 official entries revealed

Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime kahapon, November 18, pahapyaw na nagsalita sina Vice at Vhong tungkol sa hindi pagkakasali ng kanilang mga pelikula sa taunang film festival.

Sabi ni Vice, “Wala kaming filmfest ni Vhong.”

Segunda ni Vhong, “Hindi kami kasama.”

Dagdag pa ni Vice, “See you next year sa sinehan.”

Binati at sinabihan naman ng “good luck” ni Vice ang mga nakapasok sa MMFF 2016, na karamihan ay indie films.

Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat din si Vice sa mga nag-tweet sa kanya dahil sa hindi pagkakapasok ng pelikula niya sa MMFF.

Kasama ni Vice si Coco Martin sa nasabing pelikula, samantalang ni-remake ni Vhong ang pelikulang Mang Kepweng.

Yearly, laging may pelikula si Vice na kasama sa film fest.

Ngayong taon, hindi rin nakapasok ang pelikula ni Vic Sotto (Enteng Kabisote 10 and the Abangers) kahit na taunan din siyang may entry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN