Allen Dizon sympathizes with Sabrina M, Krista Miller amid drug charges

IMAGE Noel Orsal

Allen Dizon feels sad about the plight of former colleagues Krista Miller and Sabrina M who were recently arrested for drug-related charges: "Kahit paano, nakasama ko ang mga 'yan. Sila yung mga kapanabayan ko noon. Siguro, aral na rin ito sa mga baguhang artista na never silang mag-take ng drugs."


Nalulungkot daw si Allen Dizon sa kinasapitan ng ilang sexy stars na nakulong dahil sa illegal drugs, katulad nina Sabrina M at Krista Miller.

Bilang isang dating sexy actor, hindi raw maiialis na kahit papaano ay mayroon siyang malasakit sa mga ito.

Pahayag ni Allen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakalungkot talaga dahil noong mga kapanahunan nila, sikat sila, may mga pera sila.

“Tapos, after a while, nawalang parang bula.

"Tapos nalulong pa sa drugs, nahuli, kinulong.

"Kahit paano, nakasama ko ang mga 'yan.

"Sila yung mga kapanabayan ko noon.

"Siguro, aral na rin ito sa mga baguhang artista na never silang mag-take ng drugs.

"Kasi napakaimpotante ng buhay, ng career, ng pera.

"Hindi madaling kumita."

KEEPING A GOOD IMAGE. Hindi naman niya hinuhusgahan ang mga ito, pero sana nga raw ay inayos na lang nila ang kanilang buhay.

Aniya, "Kasi, dun nga sila nakilala, bad image na nga yung pagkakakilala sa 'yo.

"Sa akin, walang masamang maging bold star o kung sexy star ka, as long as behind the camera, sa sariling buhay mo, maayos ka dapat.

"Kasi trabaho lang naman 'to, e.

"Kumbaga, ganun na nga ang image mo, dapat ayusin talaga ang buhay para hindi laging ganun ang tingin sa 'yo."

Pasalamat nga lang daw siya dahil naging diretso pa rin ang tingin niya sa buhay kahit noong panahong nawala na ang demand para sa mga bold stars at sexy actors.

Saad ng award-winning indie actor, "Hindi ako nangingialam sa buhay nila.

"Ako, hindi talaga ako maano sa drugs-drugs, e. Against ako, e.

"Kasi athletic ako, takot din ako sa pamilya ko noon kasi probinsiyano.

"Naawa ako sa mga magulang ko na kung madi-disappoint sila sa akin.

"Nag-artista ako dahil gusto kong makatulong sa kanila, hindi para maging pabigat sa kanila.

"Kaya inayos ko ang buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTERNATIONAL ACCLAIM. Ngayong ay kilala na si Allen sa international film festivals bilang isang magaling na indie actor.

Ilang acting awards na rin ang kanyang natanggap dito at maging sa local film industry ay napupuna na rin ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Ang pinakahuli nga rito ay ang Best Actor Award na kanyang natanggap sa 2nd Urduja Heritage Awards para sa pelikulang niyang Imbisibol.

Noong nakaraang taon ay ginawaran din siya ng parehong award ng parehong grupo para naman sa pelikulang Magkakabaung.

Ano ang reaksiyon ni Allen sa pag-angat niya bilang aktor?

Tugon niya, "Masaya ako, siyempre.

"Gusto ko lang na sana ay ma-maintain ko yung paggawa ng magagandang pelikula, yung pagpapanalo ng awards, pagkakasama ng mga ito sa film festivals.

"Kumbaga, yun na lang ang consolation namin at yung ma-appreciate ng mga Pilipino.

"Minsan kasi, mas naa-appreciate sa abroad at ng mga foreigner."

IFFY ABOUT GAY ROLES. Samantala, mukhang nagdadalawang-isip siyang gawin ang pelikulang may gay theme na dapat sana ay pagsasamahan nila ni Wendell Ramos.

Ani Allen, "Actually, para kasing hindi ako bata, e.

"Wala pa nga akong nagawang movie na ganun, o baka marami palang naghihintay na gawin ko yun.

"Siguro timing lang.

"Ako kasi, hindi ko alam kung dapat ko bang gawin ito o hindi na lang.

"Titingnan pa rin natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN