Congressman Yul Servo balances politics and showbiz

IMAGE Noel Orsal

Congressman Yul Servo says he and his fellow celebrity congressmen are pushing for local film industry reforms: "May mga pinag-uusapan na kami para mas matulungan namin ang local film industry. Since kami naman ang mga taga-showbiz, sa amin na magsisimula ang pagtulong sa mga kapwa naming taga-showbiz."


Ikinatutuwa ni Third District Manila Representative Yul Servo na marami silang celebrities ngayon na nasa Kongreso.

Bukod sa kanya, ang iba pang mga artista na nanalo ng congressional seats noong May 2016 elections ay sina Vilma Santos-Recto (Batangas), Monsour del Rosario (Makati City), Alfred Vargas (Quezon City), at Lucy Torres-Gomez (Leyte).

Saad ni Yul, “May tiwala pa rin ang mga tao sa aming mga celebrities.

“Hindi naman kami iluluklok sa posisyon na ito kung hindi sila naniniwala sa amin.

“May mga pinag-uusapan na kami para mas matulungan namin ang local film industry.

“Since kami naman ang mga taga-showbiz, sa amin na magsisimula ang pagtulong sa mga kapwa naming taga-showbiz.”

YUL, THE ACTOR. Kahit abala sa kanyang trabaho bilang kongresista, nagagawa pa ring lumabas ni Yul paminsan-minsan sa mga teleserye.

Sa katunayan, kinunan na ang last-day taping niya sa afternoon teleserye ng GMA Network, ang Oh, My Mama!, noong November 16.

Dahil tapos na ang role niya sa naturang teleserye, mas marami na siyang oras ngayon para sa kanyang trabaho bilang isang congressman sa Maynila.

Ayon kay Yul, maayos naman ang schedule niya lalo kapag may tinatanggap siyang teleserye.

“I want to make sure na walang nasasagasaan na trabaho ko sa Congress.

“Noong inalok sa akin ang role dito sa Oh, My Mama!, alam nila na kakapanalo ko lang bilang congressman.

“Pero ang bait ng mga taga-GMA-7 kasi sila ang nag-adjust sa schedules ko, kaya walang nagiging problema.

“Nakaarte na ako, nagampanan ko pa ang trabaho ko bilang congressman,” pahayag ni Yul nang makapanayam namin ito sa set ng Oh, My Mama! sa Old Balara, Quezon City.

NO CONFLICT WITH WORK. Hindi rin daw isyu sa kanyang trabaho bilang pulitiko ang pagtanggap ng kontrabida role, tulad sa Oh, My Mama!, kung saan siya ay namumuno ng sindikato.

Saad ni Yul, “From the start naman, alam nila na actor ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na anong role na ibigay sa akin, gagampanan ko nang maayos.

“Like dito sa Oh, My Mama!, masama ang role ko. Pero acting lang lahat iyon.

“In real life, hindi naman ako ganun. At alam iyon ng mga taong pinagsisilbihan ko.

“Kaya tama rin na maparusahan ang character ko sa Oh, My Mama! dahil sobrang masama na siya.

“Yun naman ang dapat. Parusahan ang mga may sala.”

NO MOVIES FOR NOW. May mga offers daw kay Yul para gumawa ng indie films, pero panay ang tanggi niya dahil magkaka-conflict daw sa schedule niya sa Kongreso.

Aniya, “Hanggang TV muna ang kaya kong gawin sa ngayon.

“Yung movies kasi, lalo na kapag indie, gusto nila yung sunud-sunod ang shoot para matapos kaagad.

“Hindi ako puwede sa ganun na, kasi masyadong tight ang schedule ko sa Kongreso.

“Gusto ko sanang gawin kasi nami-miss ko rin ang mag-shooting. Pero depende talaga sa schedule.”

Dagdag pa ni Yul, “Noong tumakbo ako noon as city councilor sa Manila, walang nagiging problema kapag tumatanggap ako noon ng pelikula or TV show.

“Alam naman kasi nila na maayos akong magtrabaho.

“Kung kailangang unahin ko ang trabaho ko sa Manila City Hall noon, hindi ako magte-taping or magsu-shooting.

“Priority ko ang maging public servant. Susunod na lang doon ang pagiging aktor natin.

“Kaya natuwa naman ako noong manalo ako bilang congressman sa Manila.

“Kasi ibig sabihin nun ay may tiwala sila sa akin para pagsilbihan naman ang mga constituents ko sa House of Congress.”

WEDDING BELLS SOON? Sa edad na 40 ay hindi pa rin pala nakararanas si Yul na makasal, kahit na apat na ang anak nito sa kanyang longtime live-in partner.

Hindi naman daw sa takot magpakasal si Yul, maganda naman daw kasi ang takbo ng relasyon nila kahit hindi nabasbasan ng simbahan.

“Darating din naman ‘yan sa tamang panahon!” tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noon, lagi naming iniisip kung kailan kami pakakasal. Ngayon, hindi na namin pinoproblema.

"Kasi malalaki na ang mga anak namin.

“Our eldest is 18 years old at nag-aaral siya sa UST. Our youngest is eight years old.

“Smooth at tahimik ang pagsasama namin at maayos naming napapalaki ang mga anak namin.

“Kuntento na kami sa ganung buhay.

“Pero nasa plano pa rin naming magpakasal. Surprise na lang kung mangyayari yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN