Luis Manzano explains why he prefers to engage his bashers: "It's a mental exercise."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano explains why he sees nothing wrong with engaging his bashers on social media: "People think napipikon ako. Honestly, hindi. Natatawa lang ako. Sabi ko, for me, yung pagsasagot ko sa bashers, it's a mental exercise. Kasi para sa akin dapat makasagot ako within five seconds. Pag sumasagot ako sa bashers, akala nila pikon ako. Tumatawa ako sa kotse."


Isa si Luis Manzano sa mga artistang pumapatol sa bashers.

Kapag may namba-bash sa kanya, hindi niya ito pinapalampas.

"Ever since naman, kilala ninyo ako, dati pa ako pumapatol sa bashers. Dati pa.

"Para sa akin, when people ask me kung bakit ako pumapatol sa bashers, I found the perfect quote: "We must always take sides. Neutrality helps the oppressor, not the victims. Silence encourages the tormentors, never the tormented,” makahulugang pahayag ni Luis

Ang nabanggit na quote ay galing kay Eliezer "Elie" Wiesel, ang kinikilalang Romanian-born American Jewish writer, professor, political activist, Nobel Laureate at Holocaust survivor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Luis kahapon, November 18, sa Shakey's Hemady.

SPEAKING HIS MIND. Patuloy niya, “So, pag bina-bash ka, dapat tahimik ka lang? Ibig sabihin tino-tolerate mo. Di ba silence encourages the tormentor?

"Para sa akin, it goes to show na kung anuman ang ginagawa mo, papalag at papalag ako sa sinasabi mo, and I'm sorry, at least kung paano ako sumagot sa mga bashers ko, karas ako, e.

"Mas gugustuhin ko na nakikita niyo yung karas na ugali ko harap-harapan kesa naman bait-baitan ako sa harap ninyo pero sa likod ng kamera, ang sama ng ugali ko.

"Kayo, bilang matagal ko nang kilala, ano ang mas gugustuhin ninyo?

“Gusto niyo ba na pag iniinterbyu ako—mabait ako, e—sa likod ng kamera hindi ako marunong magtrato ng tao nang tama?

"At least, harap-harapan tayo, lahat ng baho ko alam ninyo..kung paano ako sumagot, kung paano ako magmura.

"Does it makes me a bad person? I don't think so.

"Sabi ko nga, the fact na tino-tolerate ninyo, for example, itong mga nangyayari ngayon sa bansa natin …

“Kung tatahimik lang ang lahat ng tao, may mga masasamang bagay na itutuluy-tuloy na lang ang nangyayari because silence does not favor the victim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The same thing I would do it for someone else, kahit na hindi ko kayo kilala.

“Pag may nakita ako na inaapi sa kalye, gagawa ako ng paraan, just like, pag may nakita ba akong babae na sinasampal sa kalye, di ko papansinin 'yan? Of course not?

"Pag may pang-aaping nangyayari, [kahit] hindi ako super hero.

“Pero alam ko naman, confident ako sa kung paano ako pinalaki ng pamilya ko na pag mang-api ka ng tao, huwag kang magulat kung may babawi.

"The fact na kung tahimik ka minsan, ibig sabihin okay lang sa 'yo na ginaganun?

“Yung mga bashers namang 'yan, feeling ko wala naman silang pakialam sa akin, gusto lang nilang mam-bash.

"80-90% sinasagot ko, nagsu-sorry sa akin sa DM [Instagram Direct Message] minsan. Ang dami ko nang hindi na lang pinu-post, nakakatawa na nga na nakakatuwa.

"Nagmi-message sila sa akin, saying na sobrang magkaibigan kami sa DM namin, sasabihin niya, 'I'm sorry sa sinabi ko, I'm sorry sa ganito.'

“Sabi ko, 'It's okay.' Pinu-post ko pa 'yan minsan sa social media ko, di ba? Na, okay na kami.

"Sasabihin niya, 'Sorry. Kung paano mo ako pinatawad, now I'm a fan.' Sabi ko hindi.

“Sa akin kasi, tao sa tao tayo.

“Kaya nga hindi ako naniniwala doon sa sinasabing may pinag-aralan ka...

“Hindi ako naniniwala dun pag sinasabihan ako ng mga tao na, 'Luis, di ka dapat sumagot sa mga bashers dahil may pinag-aralan ka.'

“Ang dami kong kilala na may pinag-aralan na walang kuwentang-tao.

“Ang dami kong kilala na hindi nakapag-aral na sobrang-bait na tao.

"Every field, from politics to showbiz, mga businessmen.

“Para sabihan ako na parang walang pinag-aralan, for me, that may be a compliment.

“Ang dami kong kilala na walang pinag-aralan pero sobrang bait na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At never kong inilagay ang sarili ko sa pedestal.

"Nakakatawa nga e, may nagsabi sa akin, nawawala na raw P.R ko.

“Sabi ko, 'Ito ang totoo, kilala ninyo ako since day one, ni minsan ba nagbago ako sa inyo?'

"Kahit tanungin ninyo pa ang staff ko, mula sa my very first show sa MYX, hanggang ngayon, confident ako, kahit sino tanungin niyo sa kanila kung nagbago ako, kung yumabang man ako.

"Kahit na yung mga taong nakakahalubilo ko, from the security guards to the marshalls, kampante ako na walang nagsasabing nagbago ako, kasi alam ko kung paano ako pinalaki ng magulang ko .

"Ang nagsasabi nang ganun [nagbago], mga bashers ko, kasi wala na silang masabi sa akin,"

NOT PIKON. Kung pumapatol man sa kanyang bashers si Luis, hindi naman daw ibig sabihin nun na napipikon siya.

Pahayag pa ni Luis, "People think napipikon ako.

“Honestly, hindi.

"Natatawa lang ako.

“Sabi ko, for me, yung pagsasagot ko sa bashers, it's a mental exercise.

“Kasi para sa akin dapat makasagot ako within five seconds.

“Pag sumasagot ako sa bashers, akala nila pikon ako. Tumatawa ako sa kotse

"Sabi ko that means that there are no happy bashers.

“Honestly, it means may problema sila sa bahay, sa buhay, sa pagpapalaki sa kanila, because if someone is truly happy, may oras ka bang mam-bash?

"Kaya para sa akin nakakatuwa pag sinasabi nilang nagbabago ako.

"Ang mga tao ko, yung driver ko, grade 4 pa lang ako driver ko na 'yan, 35 na ako.

“Kung nagbago ako, yun ang unang-unang aalis.

'Yung P.A. ko, isang dekada na rin, lampas pa.

“Kung magbabago man ako, kayo-kayo ang unang testimony d'yan nung magsimula ako na walang ka-career-career hanggang sa ngayon na kahit papaano may career ako, you can attest.

“Doon ako aamin, ipapa-notaryo ko pa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuywa lang, people will always have something to say.”

ON RELATIONSHIP WITH JESSY. Samantala, tinanong naman namin si Luis kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabi na may relasyon na sila ni Jessy Mendiola.

Sagot niya, "As much as possible, gusto kong i-share lahat kasi kayo ang nakasama ko sa lahat ng pinagdaanan ko. Sa lahat ng ups and downs, kayo ang kasama ko, my friends.

“But, andun pa rin yung konting, 'Akin na 'to.'

“What you see is what you get na lang. Obvious na obvious naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN