Priscilla Meirelles clueless about hubby John Estrada's alleged altercation with SLEX toll teller

IMAGE Noel Orsal

Priscilla Meirelles on husband John Estrada's alleged altercation with a tollgate teller at the South Luzon Expressway: "Hindi, sorry, di ako familiar, so I cannot really comment on them. Di ko talaga alam kung ano ang nangyari diyan at kung totoo 'yan at kung bakit. Kakausapin ko ang asawa ko para malaman ko talaga ang totoo. Kasi many times lumalabas sa media na di totoo, e."


Isang post sa social media ang kumalat tungkol sa diumano’y pambabastos ng aktor na si John Estrada sa isang collector sa SLEX tollgate.

Ayon sa Facebook post, sinigawan daw ni John ang attendant nang walang ipambayad ang aktor para sa kanyang toll fee.

Ayon pa sa kuwentong lumabas, mabuti na lang daw at dumating si Derek Ramsay at ito ang nagbayad sa toll fee ni John sabay hingi ng dispensa para sa kapwa aktor.


PRISCILLA'S REACTION. Sa farewell at thanksgiving presscon ng Be My Lady nung Biyernes, November 18, hiningan ng  Entertainment Portal) si John ng reaksiyon tungkol dito ang maybahay ni John na si Priscilla Meirelles.

Wala raw alam ang former Miss Earth tungkol dito.

Saad niya, “Hindi, sorry, di ako familiar kasi I’m busy taping.

“Di ako familiar, so I cannot really comment on them.

“Wala ako diyan, wala ako sa picture, di ko talaga alam kung ano ang nangyari pero tatanungin ko sa kanya.

“Lahat ng tao, puwedeng maging mainitin ang ulo.

“It’s a matter of opportunity and wrong place.

"Di ko talaga alam kung ano ang nangyari diyan at kung totoo ‘yan at kung bakit.

“Kakausapin ko ang asawa ko para malaman ko talaga ang totoo.

"Kasi many times lumalabas sa media na di totoo, e."

Pero ayon kay Priscilla, kung masiguro niyang nagkamali nga ang asawa ay papayuhan niya itong magpakumbaba at humingi ng tawad.

“Apologize? Of course, kung magkaroon siya ng chance to apologize, dapat mag-apologize.

“Hindi dapat na mainit ang ulo mo, hindi porke’t pagod ka, may rason para itrato ang ibang tao nang hindi tama.

“I think, even siya, alam niya na yun. I don’t need to tell him that.

“Kung nangyari yun, sigurado ako na mag-iisip siya nang mabuti at gagawin niya yung paraan na dapat ginawa niya,” dagdag pa ng Brazilian beauty queen turned actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa namang pahayag si John mismo tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN