Janine Gutierrez cleared on alleged relationship with Aljur Abrenica

IMAGE Noel Orsal

With the recent reconciliation of Aljur Abrenica and Kylie Padilla, Janine Gutierrez feels vindicated about finally clearing her name from bashers' insinuations that her relationship with Aljur was the main reason behind her breakup with Elmo Magalona: "Yeah! Kasi I didn't want to have to defend myself. Mas mabuti na lang yung tahimik ka. Lalabas din naman yung totoo."


Masasabing vindicated si Janine Gutierrez mula sa espekulasyong kaya sila nag-break ni Elmo Magalona ay dahil daw may relasyon ang Kapuso actress kay Aljur Abrenica, na nakatambal niya sa teleseryeng Once Again na nagtapos noon lamang July 22.

Kamakailan lang kasi ay inamin ni Aljur na nagkabalikan na sila ng kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.

Masaya si Janine na vindicated siya.

“Yes!” ang tumatawang bulalas ng aktres.

“Yeah! Kasi I didn’t want to have to defend myself, kasi natutunan ko sa nanay ko na sa mga ganyan, hindi ka na dapat sumasagot.

“Mas mabuti na lang yung tahimik ka.

“Lalabas din naman yung totoo.”

Kaya ipinagpasalamat daw ni Janine na nakinig siya sa kanyang ina na si Lotlot de Leon.

“Ayan, true enough!”

Hindi raw alam ni Janine kung saan nanggaling ang isyu na kaya sila nag-break ni Elmo ay dahil kay Aljur.

"I have no idea kung saan nanggaling kasi wala talaga!

“The first time that we [she and Aljur] saw each other again was nung taping nitong URL.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa presscon ng URL Presents Relationship Goals sa 17th floor ng GMA Network Center noong Huwebes, November 17.

Ayaw naman nang magdetalye ni Janine tungkol sa naging breakup nila ni Elmo.

Nang tanungin namin kung anong eksaktong petsa sila nag-break ay tumanggi siyang sabihin.

“Huwag na nating sabihin. Basta a few weeks ago,” pakli niya.

Ngunit muli niyang sinabi na conflicts sa schedule ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN