Daiana Menezes demands fair share of conjugal business from estranged husband

IMAGE Instagram

Daiana Menezes claims her estranged husband, former congressman Benjo Benaldo, duped her out of their conjugal online coffee business, and has not given her her fair share of profits ever since they separated: "He took it away from me, and that's it. I don't get any profit from it. He is now taking care of it, he's handling it, that's fine. But it's conjugal at and he wants it fifty-fifty, which is okay. Pero saan naman yung profit ko?"


Muling inilabas ni Daiana Menezes ang kanyang hinaing sa kanyang estranged husband at dating Cagayan de Oro congressman na si Benjo Benaldo.

Ongoing pa rin daw ang kasong isinampa niya laban sa asawa, pati ang divorce na na-file niya sa Amerika.

Kaya lang, patuloy pa rin daw siyang hina-harass ng dating asawa sa text, kahit mayroon na raw itong Permanent Protection Order mula sa korte.

Pahayag ni Daiana, “I don’t think naintindihan niya na meron siyang Permanent Protection Order, na hindi siya makakalapit sa akin.

“He cannot get close to me, cannot talk to me, he should not message me, but he keeps on doing it to me.

“He messaged me.

“I understand if he wants to be friend with me, but if you wanna be friends, be fair.”

Dagdag pa niya, “You know, I’m keeping all those evidences, but at the same time, I’m spending so much with lawyers, which I hope he will cooperate as well.

“Sana hindi niya ako hina-harass.”

Ikinasal sina Daiana at Benjo sa Las Vegas, Nevada noong 2012.

CONJUGAL BUSINESS VENTURE. Ngayon ay may panibagong reklamo na naman ang Brazilian actress-TV host laban sa hiniwalayang asawa dahil sa paggamit daw nito sa negosyong sinimulan niya.

Kuwento ni Daiana, “I used to have a business.

“I opened it with my mom. That’s Brazilian Secret Coffee. It’s an online business na slimming coffee.

“He took it away from me, and that’s it.

“I don’t get any profit from it.

“He is now taking care of it, he’s handling it, that’s fine.

"But it’s conjugal and he wants it fifty-fifty, which is okay.

“Pero saan naman yung profit ko? Binebenta pa rin niya, wala naman ako nakuha.”

Ayon kay Daiana, nabuo niya ang negosyong iyon sa tulong ng kanyang ina nung nagsasama pa sila ni Benjo bilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya raw ang nag-aasikaso nito at tinutulungan naman daw siya ng estranged husband.

Pero nung magkahiwalay sila, itinuloy pa rin daw ito ng asawa niya at tuluy-tuloy na ang pag-manage online.

Saad ni Daiana, “I was married when I opened it with my mom, and feeling niya sa kanya yun.

“I even tried to change the password of the online account, but he took it back again. That’s how much he wants it.

“I asked him, 'Where’s the profit? Give me at least the half of it because ako yung may-ari.'

“He tells me, ‘Ay, it’s not working. Hindi na kumikita ‘yan kasi wala ka na.'

“Yun ang sabi sa akin. He’s giving me that excuse.”

ASKING FOR HER FAIR SHARE. Wala rin daw problema kay Daiana kung gusto ni Benjo na hawakan ang sinimulan niyang negosyo, pero sana kinausap naman daw siya nang maayos at ibinigay ang nararapat na share niya.

“For me naman, you know, congressman ka na before, I’m sure hindi mo na kailangan yun.

“Or, maybe wala siyang pera o wala na siyang source of income, pero sana just be a gentleman and be righteous about your decisions.

“You know, it’s been a year and I don’t earn anything from it.

“One year na pinagkakitaan niya ng pera sa business na ‘yan, na wala akong nakuha,” saad niya.

Iisa lang naman daw ang hangad ni Daiana, na tanggapin na raw sana ng dating asawa na may kanya-kanya na silang buhay.

“Gusto ko lang na mag-move on siya.

"Kasi kung maging happy siya sa buhay niya, which is alam ko na may girlfriend na siya, okay na siya, e.

“Tigilan na niya ako.

“Kung gusto niya ako maging kaibigan, sorry, hindi na puwede.

"Kasi nag-break na kami, hiwalay na kami, and we have to cut the ties."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Daiana, “Hindi siya nagko-cooperate where I had to do everything by myself.

“I had to file the divorce in the US by myself, such a hassle.

“With the one-signature divorce, which is not very easy to do and more expensive, and also here, so many cases, kasi ang daming threats.

“So, ang dami ko nang nagastos.

“Puwede naman sana tinanggap na niya, and let go na lang.

“Kasi mas maging mabuti sa kanya na ma-let go niya kesa naman parati na binabalik niya ako.

“I wish him the best.”

Ed's Note: Bukas ang PEP sa panig ni dating Congressman Benjo Benaldo kaugnay ng mga pahayag ni Daiana Menezes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN