Yves Flores not keen on courting Loisa Andalio anytime soon

IMAGE Noel Orsal

Yves Flores explains why he prefers to be just friends with love team partner Loisa Andalio for now: "Hindi porke't magkatrabaho kami, kailangan ko siyang ligawan, para may maipakita sa tao. Hindi ko prefer yung ganun, e."


Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Yves Flores at Loisa Andalio tungkol sa relasyon nila sa isa’t isa sa finale presscon ng kinabibilangan nilang ABS-CBN teleseryeng Be My Lady, na ginanap noong Nobyembre 18, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Magtatapos na sa Nobyembre 25 ang naturang serye na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Magka-love team sina Yves at Loisa sa Be My Lady.

Nang tanungin ng PEP kung yung kilig ba sa serye ay nadadala na rin nila sa totoong buhay, biniro sila ni Erich na sila na raw.

Gaano ito katotoo? Ano na ang development sa inamin noon ni Yves na gusto niyang ligawan si Loisa?

Sagot ng binata, “Well, ganun pa rin, magkaibigan pa rin kami.

"Parang kini-keep namin yung friendship namin.

“Basta magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.”

Dagdag naman ni Loisa, “Yun nga, lagi kaming nagkakasama kaya mas nagiging close kami every day.”

Singit pa ni Yves, “And mas nakikilala namin yung isa’t isa sa haba ng panahon na magkasama kami.”

Pero nag-level up na ba yung friendship nila?

Sagot ni Yves, “Kung friends kami dati, close friends na kami ngayon.”

Kailan balak gumawa ng move ni Yves para maging super close na sila sa isa’t isa?

“Ayun, hindi pa namin masasabi. Pero sa ngayon, masaya kami kung anong meron kami ni Loisa,” pag-amin ng binata.

Ano naman ang komento ni Loisa sa sinabi ni Yves?

Sabi niya, “Agree po ako doon. Thank you po.”

Ano ang nagustuhan nila sa isa’t isa?

Ayon kay Loisa, “Si Yves po kasi nakakatawa at saka gentleman.”

Sagot naman ni Yves, “Si Loisa kasi madali siyang pakisamahan.

“At saka madali siyang turuan kapag may scenes kami na nahihirapan siya, nakikinig siya sa akin.”

ON COURTING LOISA. Pagkatapos ng presscon proper, nakausap pa ng PEP si Yves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kung iniisip niya bang dadating din sa point na liligawan niya si Loisa?

Tugon niya, “Siyempre, sa akin, sa totoo lang, hindi naman mawawala iyon.

“Pero si Loisa kasi bata pa, e. Marami pa siyang puwedeng gawin, makakapag-explore pa siya.

“And kung sa love team, kasi minsan akala natin gusto natin yung tao kasi araw-araw tayong magkasama, araw-araw tayong nagkikita, sabay tayong kumain.

“Maghapon tayong magkasama. Minsan akala natin siguro na gusto natin yung tao.

“Kung liligawan ko man si Loisa, siguro yung time na hindi kami magkatrabaho.

“Kasi doon mo makikita na gusto mo talaga yung tao, kasi hindi lang dahil may ginagawa kayong show.

“Kasi ako, hindi ako showbiz na tao, e. Hindi porke’t ka love team ko, kailangan kong ligawan.

“Hindi porke’t magkatrabaho kami, kailangan ko siyang ligawan, para may maipakita sa tao.

"Hindi ko prefer yung ganun, e."

Willing din daw maghintay si Yves hanggang maging ready si Loisa na magpaligaw.

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Oo naman. Depende rin kasi kay Loisa kung papayag na siya.

“Basta sa ngayon, inaalagaan namin yung relationship namin, kasi sobrang saya namin pag magkasama kami, sobrang chill namin.

“Yung bonding namin, iba, so ayokong masira iyon.

“Kasi once na maging kayo at naghiwalay kayo, masisira na yung friendship, wala na.

“So, ako, tine-treasure ko kung anong meron kami ngayon.”

Ang wish lang ni Yves ay sana magkasama ulit sila ni Loisa sa isang proyekto pagkatapos ng Be My Lady, na halos isang taon ding tumakbo sa ere.

“Sa tagal naman naming magkasama, nag-enjoy kami at kumportable kami sa isa’t isa.

“Kaya kung magkakatrabaho kami ulit, mas madali na,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN