Singer-comedian Blakdyak found dead with head wrapped in plastic

IMAGE Facebook of Jhoey Blakdyak

Hindi pa malinaw ang dahilan ng ikinamatay ng singer-comedian na si Blakdyak, ngunit sa larawang lumabas, nakabalot ang mukha ng komedyante sa plastic wrapper.


Natagpuang patay ang singer at komedyanteng si Blakdyak sa kanyang bahay sa Dapitan Street, Sampaloc, Manila, ngayong Lunes ng gabi November 21.

Siya ay 46 years old.

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales ng GMA News, natagpuan ang katawan ni Blakdyak na walang buhay at nakabalot sa plastic ang ulo nito.

Kalat-kalat din ang mga gamit nito sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sampaloc.

Base sa ulat ng Saksi ngayong gabi, ang anak ni Blakdyak na si Tommy ang nakadiskubre sa katawan ni Blakdyak.

Ayon naman sa misis ni Blakdyak na si Twinkle Formaran, nagpunta ang anak nila sa tinutuluyang condo ng singer-comedian upang gisingin ito dahil may naka-schedule itong gig ngayong gabi.

Wala rin daw silang problemang mag-asawa na posibleng maging dahilan upang kitilin ni Blakdyak ang sarili nitong buhay.

Matagal na rin daw tumigil sa paggamit ng ilegal na droga ang singer-comedian.

Ayon naman sa imbestigador na may hawak ng kaso, wala silang nakikitang foul play sa pagkamatay ni Blakdyak.

Si Blakdyak o Joey Formaran sa totoong buhay ay tubong Zambales.

Sumikat si Blakdyak noong dekada ’90 dahil sa kanyang mga kantang "Modelong Charing," "Goodboy," at "Asin At Paminta."

Lumabas din siya sa ilang pelikula: Alyas Boy Kano (1992), Squala (1998), Gangland (1998), Dahil May Isang Ikaw (1999), Asin at Paminta (1999), Weyt A Minut Kapeng Mainit (2001), at S2pid Luv (2002).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN