Aljur Abrenica on Janine-Elmo breakup: "Nangyayari sa atin yun. Unpredictable yung mga bagay-bagay."

IMAGE @kapusoprgirl on Instagram

Tugon ni Aljur kaugnay ng breakup ng kapareha niyang si Janine Gutierrez sa boyfriend nitong si Elmo Magalona: Dapat bigyan muna ng magkarelasyon ng panahon at espasyo ang isa't isa kung hindi na sila masaya sa kanilang relasyon.


Naging tampulan ng biruan sa pagitan nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez ang latest relationship status nila.

Baligtad na kasi ang sitwasyon ng dalawa pagdating sa kani-kanilang love life.

Noong magkasama pa sila sa teleseryeng Once Again ay si Aljur ang loveless.

Ngayon, sa bago nilang proyektong URL Presents Relationship Goals, si Janine naman ang single dahil kaka-break lang nila ni Elmo Magalona.

Nakabalikan kasi ni Aljur ang dati niyang girlfriend na si Kylie Padilla, matapos nang halos limang taong hiwalayan.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mismo inamin ni Aljur na muli na silang nagkakamabutihan ng dalaga.

Read: Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

Sa presscon ng bago nilang proyektong pagsasamahan, biniro ni Aljur si Janine ng: “Ha? Anong nangyari? Wala na kayo? Buti naman.”

Dugtong pa niya, “Nangyayari sa atin yun, e. Unpredictable yung mga bagay-bagay.

“Whatever man yung nangyari sa buhay namin, happy!

“Kilala ko naman si Janine, e. Hindi lang kami magkatrabaho o nagkakatrabaho, magkaibigan din kami.

“And kung anuman yung desisyon niya at nangyari sa buhay niya, masaya ako para sa kanya.”

Nakausap ng PEP si Aljur sa presscon ng URL Presents Relationship Goals, noong Huwebes, November 17, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

SPACE AND TIME. Natuwa raw si Janine nang nalaman niyang nagkaayos na sina Aljur at Kylie.

Pero para kay Aljur, ang dalawang magkarelasyon ay dapat kumalas na lamang kapag hindi na masaya sa isa’t isa.

Biro pa ng aktor kay Janine tungkol sa hiwalayan nila ni Elmo: “Masaya ako para sa kanya.”

Bakit niya ito nasabi? Hindi ba siya pabor sa relasyon ng dalawa?

Paglilinaw ni Aljur, “No, hindi naman sa hindi approve, but why stay in a relationship na, di ba?

“Hindi ka na… kung nagwo-work siya… kung nagbe-benefit sa isa’t isa… no judgment, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa panahon ngayon… baka iyon yung kailangang mangyari.

“Hindi ba, parang kami ni Kylie before, di ba? The love is there, pero iyon yung kailangang mangyari.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang panahong kinailangan nila ni Kylie ng space at panahon kaya sila naghiwalay noong 2011.

Pero hindi naman daw nawala ang pagmamahal at komunikasyon nila sa isa’t isa.

So, sa tingin niya, darating din ang araw na magkabalikan sina Janine at Elmo?

Tugon ni Aljur, “Puwede. It depends kay Janine, e. Mas kilala ko siya, e.

“Ang concern ko naman is… ako, isa siya sa mga itinuturing kong kaibigan, ang concern ko sa kanya is siya, yung buhay niya.

“Yung kaligayahan niya.”

URL PRESENTS. Sa URL Presents Relationship Goals, gaganap si Aljur bilang si Kiso at ay si Janine naman ay si Yapi.

Ano ang kaibahan nito sa pinagsamahan nila ni Janine noon na seryeng Once Again?

Tugon ni Aljur, “Sa trabaho, may nagbago, kasi rom-com ito, e.

“Straight drama kasi ang Once Again.

“Pero bilang isang tao, kung paano ko siya nakilala the first day na nagkatrabaho kami, the same.

“The same Janine.”

The cast of Usapang Real Love's third episode entitled Relationship Goals! ???????? #URLRelationshipGoals

A photo posted by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN