Aiza Seguerra and Liza Diño on Marcos burial: Blame previous administrations

IMAGE Facebook (Aiza Seguerra)

While Aiza Seguerra and partner Liza Diño say that they don't always agree with President Rodrigo Duterte, the couple believes that previous administrations should be blamed for not doing something to prevent Marcos being buried at Libingan ng mga Bayani. 


Nagkaisa ang mag-partner na sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa pagsasabing hindi porke’t sinusuportahan at kabilang sila sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sang-ayon sila sa lahat ng hakbang nito.

Kagaya na lamang ng pagpayag ng presidente na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong November 18.

Sina Aiza at Liza ay parehong appointees ni Pangulong Duterte.

Si Aiza ang chairperson ng National Youth Commission (NYC), habang si Liza naman ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pahayag ni Aiza sa kanyang Facebook post noong November 19, “Our support for Duterte doesn't mean we agree with everything that he does.

“Our stand is that the Marcoses should be tried for everything they've done. They should be answerable to those they have oppressed.

“My stand regarding the burial is it should've been coursed through a referendum. Hindi dapat naging election promise o ano man.”

Ngunit punto ng singer, sa halip na isisi ang nangyari kay Pangulong Duterte, may kasalanan din dito ang mga nakaraang administrasyon.

“Pero higit sa lahat, hindi matanggal sa isip ko kung bakit sa dinami-raming taon, hindi na-amend ang provision kung saan nakasaad na pwede siyang ilibing sa LNMB.

“I mean, we can all blame the President and the 9 SC [Supreme Court] justices for allowing this to happen, but it wasn’t just them.

“Our lawmakers failed us by not amending the provision.

“Yung mga galit na galit ngayon na lawmakers na matagal ng nakaupo sa posisyon, they had all the time in the world to fix things but they didn't do anything.

"Ito ang hindi ko matanggap."

LIZA AGREES. Ayon naman kay Liza, idinaan ng pamilya Marcos ang paglibing sa dating diktador sa pamamagitan ng batas o usapang legal.

Isinisi rin ni Liza kay dating Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III kung bakit hindi nito nagawan ng paraan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangyari ang nangyari dahil walang ginawa ang dating gobyerno upang tanggalin ang karapatan ni Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani. Ilang administrasyon ang dumaan?

“Si PNOY na nagkaroon ng pagkakataon sa loob ng anim na taon, hindi nag-abalang gumawa ng paraan.

“Bakit nga ba hindi gumawa ng batas para ito pigilan? Ito ang tanong na dapat sagutin dahil ito lang din ang makapagpapalaya sa ating kasalukuyang suliranin.

“Ang batas ay batas.

“Sa kasamaang palad, wala sa atin ang alas. Batas ang ginamit ng mga Marcos upang makuha nila ang ‘kanilang hustisya.’ At karapatan nila yun.

“Dahil ang batas ay PATAS.

“Nakapanglulumo ang nangyari.”

Ipinaliwanag pa ni Liza na kung bakit walang closure at hindi maka-move on ang maraming Pilipino sa panahon ng martial law at sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

“'Walang closure' dahil walang nanagot sa mga karahasang dinulot ng rehimeng Marcos. Hindi 'maka-move on' dahil walang umako sa mga kasalanang ginawa sa sambayanan.

"Baka ito ang dapat nating unang tugunan para magkaroon ng pag-asa tungo sa KATARUNGAN."

Dagdag pa niya, “Paano natin pananagutin ang maysala? Pano mag-uumpisa ang paghilom ng mga sugat? Bakit hindi buksang muli ang mga kaso at litisin ang dapat magbayad?

"Kesa magalit tayo sa korte suprema, bakit di tayo maghanap ng solusyong konkreto at pwedeng gawan ng aksyon?”


Sa isang report ng GMA News, sinabi ng Office of the Solicitor General kung bakit legal na mailibing sa LNMB si Marcos:

"The Libingan is a national shrine for military memorials. As such, any president, commander-in-chief, war veteran or Medal of Valor awardee may be buried therein. These are indelible facts that are adequate reasons for a person to be interred in the Libingan in the case of former President Marcos, perhaps the only reasons."

Ito rin ang opinyon ng ilang mambabatas at iba pang pumapabor na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit komento rin ng OSG sa nasabing report, “that Marcos would not gain the status of a hero by according him a place at the Libingan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN