Neri Naig hits back at basher who posted "Buhay pa kaya yan" comment about her baby

IMAGE Instagram photo of Neri Naig

Neri Naig responds to a basher: "Sarap mong murahin ng napaka lutong kaso wag na lang kase halatang insecure ka lang at bitter sa buhay."


Hindi pinalampas ni Neri Naig ang isang netizen na kumuwestiyon sa kanyang pagbubuntis.

Sa Instagram post niya nitong weekend, isang netizen na may username na @joytotheworld2120 ang nagsabi kay Neri ng: "Lahat ng kasabayan mo umanak na ah! 12 mos n ata yan sa tyan mo. Buhay pa kaya yan?

"@mrsnerimiranda OA mo kasi at mukang pera. Alamin m muna kung may buhay pa yan oi! @mrsnerimiranda."

Ang naturang komento ay nabura na sa comments column ng post ni Neri.

Gayunman, nag-post ng sagot ang soon-to-be mom para sa basher: "Kawawa ka naman. Gumawa ka pa ng account para mang ganyan?”

Sa halip na magalit, sarkastikong sabi ni Neri, “Sarap mong murahin ng napaka lutong kaso wag na lang kase halatang insecure ka lang at bitter sa buhay.

“Kainggit inggit ba talaga ang buhay ko at galit na galit ka?

“Mas ok na ikaw ang binabash kaysa ikaw yung gumagawa ng dummy accounts para mambash.”


Sa mga nakaraang posts ni Neri, mapapansin na sabik na rin siyang masilayan ang unang anak nila ni Chito Miranda.

Sa katunayan, sabi niya sa isang post: "Nanganak na mga kasabayan ko, hehe! Ready na ako anak, ikaw na lang wait namin ng tatay mo, hehe!"

Ngayong Nobyembre, inaasahang isisilang ni Neri ang kanyang baby, na magiging kapangalan ng kanyang asawa na si Chito, na Alfonso Miranda Jr. ang pangalan sa totoong buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN