Janella Salvador bashed over her reunion project with Marlo Mortel

IMAGE Noel Orsal

Janella Salvador on MarNella and ElNella loveteams: "They shouldn't compare. Sa totoo lang, I believe people naman can stand on their own. And it's good to have your individuality. So, whoever you get to work with, I think dapat you both give your best."


Sa pamamagitan ng pelikulang Chinoy: Mano Po 7 ng Regal Entertainment Inc., nagkasamang muli ang dating magka-love team na sina Janella Salvador at Marlo Mortel—na mas kilala bilang MarNella.

Ito ay sa kabila ng umaangat nang love team nina Janine at Elmo Magalona, ang ElNella, sa bakuran ng ABS-CBN.

Kung babalikan, ang tambalang MarNella ay mayroon nang following bago pa man pumasok ang ElNella.

Ano ang masasabi ni Janella tungkol dito?

Pahayag niya, “Masaya naman ako na nag-reunite kami ni Marlo.

“Pero magkaiba kasi, pareho ko naman sila naging close talaga.

“They are both different, that's all.

“They are both fun to work with naman.”

Nang magkita silang muli ni Marlo sa set, napag-usapan ba nila ang nabuwag nilang love team?

Tugon ni Janella, “Same pa rin, kasi close pa rin naman kami.

“Hindi namin napag-usapan.

“Basta walang awkwardness o tension sa what happened, wala talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa presscon ng Mano Po 7, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, nitong Martes, November 22.

MARNELLA VS ELNELLA. Bilang newcomer at naghahanap pa rin ng kanyang lugar sa showbiz, bukas naman daw si Janella sa lahat ng pagbabago.

“I'm open naman sa lahat ng new experiences, that's why I accepted this [Mano Po 7].

“Happy naman ako sa... Yung fans namin, sobrang supportive sila.

“Actually, natutuwa talaga ako sa kanila dahil despite sa everything that happened, solid pa rin sila.”

Pero aminado ang Kapamilya actress-singer na may natatanggap pa rin siyang pamba-bash dahil sa muli nilang pagtatambal ni Marlo.

Sabi niya, “Hindi naman maiiwasan yung bashers.

“Hindi ko naman sila sinasagot.

“Siguro kung below the belt, I'll answer them.

“Deadma lang ako, as long as long di naman nakaka-affect.

“Kasi, as long as you know na what you're doing is right.”

Nakiusap din si Janella na huwag ikumpara ang MarNella sa ElNella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ng 18-year-old Kapamilya star, “They shouldn't compare.

“Sa totoo lang, I believe people naman can stand on their own.

“And it's good to have your individuality.

“So, whoever you get to work with, I think dapat you both give your best.”

Bukod pa rito, malinaw naman na ang love team nila ni Elmo ay naka-focus sa TV shows, samantalang itong sa kanila ni Marlo ay sa pelikula naman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN