Gerald Anderson clarifies he and Bea Alonzo are not yet an item

IMAGE Allan Sancon

Gerald Anderson describes his relationship with Bea Alonzo as comfortable: "Relationship? Wala pa, ini-enjoy lang namin ang company ng isa't isa… masaya, masaya kaming dalawa."


Bukas na aklat ang magandang namamagitan ngayon kina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Pero ayon sa aktor, wala pa ring balikan nangyayari sa kanila, taliwas sa iniisip ng marami.

Sabi ni Gerald, “Relationship? Wala pa, ini-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa.

“Nae-enjoy namin, masaya, masaya kaming dalawa.

“Busy din siya sa work, may soap din siya na lalabas.

“Pag may oras, oo, siyempre mahirap din kasi busy pareho.

“Maraming mga obligations, kaya pag may time, lumalabas kami.”

Ang sinisiguro lang niya ay marami siyang natutuklasan tungkol kay Bea.

“Marami, marami akong natutunan sa kanya.

“Yung ibang gusto niya sa buhay, yung ibang hilig niya, yung mga hobbies niya.

“Ganun naman talaga pag nakakasama mo ang isang tao nang madalas.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa 8th SunPiology Run nung nakaraang Sabado, November 19, na ginanap sa Camp Aguinaldo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN