Erik Matti defends indie films selected for MMFF 2016

IMAGE Courtesy of ABS-CBN PR

Erik Matti to Pinoy moviegoers about MMFF 2016 entries: "Bigyan naman natin ng chance na umubra bago husgahan."


“Ang indie at mainstream ay parehong pelikula.”

Ito ang tila sagot ng director-producer na si Erik Matti kaugnay ng naging pahayag ng Regal matriarch na si Lily Monteverde tungkol sa official entries para sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF), na magsisimula sa December 25.

Sa press conference ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy kahapon, November 22, tinanong si Mother Lily kung ano ang reaksiyon niya sa hindi pagkakasama ng kanilang pelikula at pagpasok ng "indie films" sa MMFF ngayong taon.

Tugon ng movie producer, “You know, I don't take it against indie movies because I was the original.

Lav Diaz, Jeffrey Jeturian... lahat sila. I also had a festival, can you still remember?

You know, there is a time for the indie movies, but not Christmas season.

Christmas is for the family.”

Read: Mother Lily on MMFF 2016 entries: "There is a time for the indie movies, but not Christmas season."

Bukod sa Mano Po 7, hindi rin nakasama ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na The Super Parental Guardians at ang pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Nagdesisyon ang producers ng mga nabanggit na pelikula na ipalabas ang mga ito nang mas maaga, ilang linggo bago ang MMFF.

Read: MMFF 2016 official entries revealed

PEPsters, pasok ba sa listahan ang mga inaasahan ninyong pelikula para sa #MMFF2016?

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Bagamat hindi direktang tinukoy ni Direk Erik ang pahayag ni Mother Lily, dinepensahan naman niya ang indie films.

Pahayag niya sa kanyang Facebook post ngayong araw, November 23, “Hinay-hinay sa paghamak at pag-insulto ng salitang INDIE na parang ito'y may ketong na dapat layuan.

“Ang indie at mainstream ay parehong pelikula rin lang at wag na po ihiwalay sa isa't isa.

“Ang indie, tulad ng mainstream, ay pwedeng malalim o mababaw, matalino o stupido, nakakatawa o nakakaiyak, commercial o artistic, pambata o pangmatanda o panghugot, cheap o big budget. Pareho pong pelikula yan.”

Hinimok din ni Direk Erik ang mga manonood na bigyan ng pagkakataon ang mga napiling pelikula para sa MMFF ngayon taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panoorin n'yo muna ang mga pelikulang napili sa #MMFF.

“Merong pagbabagong naganap sa #MMFF2016.

“Bigyan naman natin ng chance na umubra bago husgahan. Lalabas din naman si Vice si Vic at si Chinoy kahit di nakasali e.”

Ang pelikula ni Erik Matti na Seklusyon ay kabilang sa walong pelikulang napili para sa MMFF 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN