Miss World Philippines 2016 Catriona Gray grateful to boyfriend Clint Bondad

IMAGE Instagram

Catriona Gray on the qualities of boyfriend Clint Bondad: "That's what I want in a partner, someone that would push me to be better, to challenge myself and support me all the way and he really does."


Gaganapin ang Miss World 2016 sa Gaylord Convention Center, Maryland, USA, sa December 18.

Ayon sa kandidata ng Pilipinas na si Catriona Gray, susunod doon ang kanyang Fil-German boyfriend na si Clint Bondad upang bigyan siya ng moral support.

Talent ng Viva Artists Agency si Clint at ilang beses na itong nakapanayam ng entertainment press.

Kinilig si Catriona sa kuwento na bago pa siya naging beauty queen, kilalang-kilala na siya ng entertainment press na nakakausap ni Clint dahil ipinagmamalaki nito sa lahat ang relasyon nila.

Pahayag ng beauty queen, “He’s very proud, yes.

“We’ve been together for a long time na. We’re more than four years together.

“He’s been with me through a lot of things in my life.

“He’s very, very supportive. I’m so grateful for him.

“That’s what I want in a partner, someone that would push me to be better, to challenge myself and support me all the way and he really does.”

Hindi pa raw iniisip ni Catriona ang mga gagawin, anuman ang maging resulta ng pagsali niya sa Miss World, pero gaya ni Clint, may posibilidad na pumasok siya sa showbiz.

Saad niya, “I’m a creative person, so sana I get to pursue that, whether it would be singing or maybe in acting.

“I’m excited kasi there’s a talent competition in Miss World, di ba?

“A creative pursuit or path in the future, that’s what I want.”

Si Miss World 2013 Megan Young ang host ng coronation night ng Miss World 2016.

Si Francis Libiran ang gumawa ng gown na gagamitin ni Catriona sa 66th edition ng Miss World.

Pero magdadala rin daw siya ng mga gown na ginawa para sa kanya ng ibang Filipino designers dahil gusto niyang ipakita sa buong mundo ang artistry at husay ng mga Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN