Aiko Melendez tests negative for illegal drugs

IMAGE Courtesy: Aiko Melendez

Naniniwala si Aiko Melendez na walang maidudulot na kabutihan ang droga: "Alam ko sa sarili ko naman na di ako gumagamit ng illegal substance, and I voluntarily submitted myself, too."
 


Negatibo ang resulta ng drug test kay Aiko Melendez.

Ito ang ibinalita ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang minuto matapos ng kanyang drug test sa isang laboratory sa Makati City ngayong Miyerkules, November 23.

Ayon sa aktres, ang pagpapa-drug test niya ay hindi lamang bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na masugpo ang paglipana ng droga sa bansa.

“Requirement siya sa bagong soap opera na gagawin ko.

“Strictly, Direk Ruel Bayani asked all the cast to get drug test... actually, wala naman kaso sa aming mga artista na madalas pinagkakamalan na mga addict.

“Madami naman na nag-initiate na artista also, so sana magsunuran na din ang lahat.

"Para sa akin kasi, alam ko sa sarili ko naman na di ako gumagamit ng illegal substance, and I voluntarily submitted myself, too."


Isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte si Aiko.

Sabi pa niya, “Also to help the cause and projects niya to eliminate drugs! I am supporting his cause in fighting drugs!

“Kaming mga celebrities kasi will be a great model to everyone, na drugs won’t help.

"Get high on God and work, not on drugs.”


Si Aiko ang latest celebrity na boluntaryong nagpa-drug test bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN