Ogie Alcasid responds to netizens' comments about his transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid reacts to netizens who commented about his transfer to ABS-CBN. He also announced that he will be part of Bubble Gang's 21st anniversary special. 


Inanunsiyo sa ginanap na ABS-CBN trade launch noong Martes, November 22, na magiging Kapamilya na ang singer-comedian na si Ogie Alcasid.

Si Ogie ay magiging bahagi ng jury ng Your Face Sounds Familiar Celebrity Kids Edition, kasama sina Gary Valenciano at Sharon Cuneta.

Papalitan ni Ogie ang dating judge na si Jed Madela.

Pagkatapos ng 18 taon pagiging Kapuso, lumipat si Ogie sa TV5 noong August 2013.

Nag-expire ang kontrata niya sa Kapatid network noong August 2016.

At ngayon ay nasa Kapamilya network naman siya.

Kaugnay nito, inulan ng komento ang Twitter account ni Ogie pagkatapos maibalita ang paglipat niya sa ABS-CBN.

Marami sa mga ito ang nagsabing excited na silang makita ang singer-comedian sa Kapamilya network.

Maikling tugon dito ni Ogie: “God bless you.”

Sa kabilang banda, isang netizen naman ang binatikos ang career move na ito ni Ogie.

Sabi pa nito, magpi-feeling daw lalo ang singer at ang gusto raw talagang kunin para sa nasabing show ay ang misis niyang si Regine Velasquez.

Positibo naman itong sinagot ni Ogie:

Muling nagkomento ang netizen at nag-post ng isang makahulugang quote, na ang mensahe ay ang pagkabanal ng ibang tao ay nagtatago sa malaking sungay.

Sagot naman dito ni Ogie: “God bless you my dear. I pray that the good Lord blesses all that you love. God loves you.”

Samantala, sa kabila ng anunsiyo ng paglipat ni Ogie sa ABS-CBN, muling mapapanood si Ogie sa GMA Network para sa 21st anniversary ng Bubble Gang.

Ginawa ni Ogie ang nasabing announcement sa kanyang Instagram account, kung saan makikita silang dalawa ng kaibigan at dating co-star na si Michael V.

Isa si Ogie sa original cast ng nasabing long-running gag show ng GMA Network.

Ang anniversary episode ng Bubble Gang ay eere ngayong Biyernes, November 25.

Coming very soon... #bubblegang #BG21GangSalute

A photo posted by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN