Gretchen Barretto gets involved in business deals with foreign investors

IMAGE Noel Orsal

Hindi man aktibo ngayon si Gretchen Barretto sa acting projects, abala naman ang aktres sa pakikipagnegosasyon sa big-time businessmen kasama ang kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco.


Masigasig ang aktres na si Gretchen Barretto at ang partner niyang business tycoon na si Tonyboy Cojuangco sa pagtulong sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katunayan, nitong nakaraang state visit ng Pangulo sa Japan ay kabilang sina Gretchen at Tonyboy Cojuangco sa business delegation ni Duterte.

#presdentDuterte??? Tokyo Business Delegation????

A video posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Ngayong araw, November 24, ibinahagi ni Gretchen sa Instagram ang kanyang biyahe papuntang Taipei, Taiwan, para sa isang business meeting.

Ito ay bahagi raw ng plano nilang makapagbigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sabi ni Gretchen, “Off to Taipei for a business meeting with Jack Lam, Lin Ming Ta, our business partners. Soon to open another junket in the biggest casino in Manila. Here's to more jobs for the Filipinos.”

Sa isa pa niyang post, sabi ni Gretchen: “See you in a bit Taipei… working on more jobs for the Filipinos. Soon to open junkets in the biggest casino in Manila with Jack Lam & Lin Ming Ta.”

Marami namang followers ni Gretchen ang natuwa sa kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon.

Si Tonyboy at ang business partner nitong si Japanese business magnate Kazuo Okada ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking resort casino na malapit nang magbukas sa Pilipinas, ang Okada Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN