Chito Miranda makes promises to wife Neri Naig and son Alfonso

IMAGE @mrsnerimiranda on Instagram

Nangako si Chito Miranda na pangangalagaan at hindi niya pababayaan ang kanyang misis na si Neri Naig at ang anak nilang si Alfonso hanggang sa kanilang pagtanda. Ibinahagi ng bokalista ng Parokya Ni Edgar ang kanyang kaligayahan bilang ama sa kanyang followers sa Instagram.


Hindi naitago ng Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang kanyang pagiging proud bilang isa nang ganap na ama.

Noong Miyerkules, November 23, ay nagsilang ang misis niyang si Neri Naig ng isang malusog na baby boy, na pinangalanan nilang Alfonso, sunod sa totoong pangalan ni Chito.

Read: Neri Naig and Chito Miranda welcome their first baby

Kagabi, November 24, isang madamdaming post ang ibinahagi ng singer sa kanyang Instagram account.

Dito ay ipinangako ni Chito na hindi niya pababayaan ang kanyang mag-ina hanggang sa kanyang pagtanda.

Pahayag niya, “This is my family.

“I will do everything in my power para maalagaan sila nang maayos, to provide for them, to spoil them, and to give them an advantage sa future.

“I will save and invest all my money for them. I will take care of myself better para mabantayan ko sila hanggang sa pagtanda ko.

"I will behave and not do anything stupid, I will work harder, and spend as much time with them as possible.”

Ibinahagi rin niya ang tungkol sa health insurance na kinuha niya para sa anak.

Pinayuhan din niya ang kanyang followers na habang maaga pa ay gumawa na rin ng kahalintulad na hakbang para sa kanilang pamilya.

Saad pa niya, “Sobrang solid yun. Para kahit paano mas kampante ako sa health ng anak ko sa future.

“Parang spare tire lang yan eh. Ayaw mo syempre na ma-flatan ka, pero at least kampante ka na may reserba ka...just in case.

"Hindi yung maghahanap ka lang ng reserba kung kelan flat na yung gulong mo."

This is my family. I will do everything in my power para maalagaan sila ng maayos, to provide for them, to spoil them, and to give them an advantage sa future. I will save and invest all my money for them. I will take care of myself better para mabantayan ko sila hanggang sa pagtanda ko. I will behave and not do anything stupid, I will work harder, and spend as much time with them as possible. Kumuha din ako ng cordlife para sa anak ko. Mga 8k a year lang yun, chong. Google nyo. Sobrang solid yun. Para kahit paano mas kampante ako sa health ng anak ko sa future. Parang spare tire lang yan eh. Ayaw mo syempre na ma-flatan ka, pero at least kampante ka na may reserba ka...just in case. Hindi yung maghahanap ka lang ng reserba kung kelan flat na yung gulong mo. Anyway, tulog ngayon ang mag-ina ko. Sarap ng tulog nila pareho. Both of them, safe and healthy. Tulog na rin ako after ng "Forged in Fire"...tapos gising ulit after 2 hours hehe!

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on



PROUD OF HIS WIFE. Sa isa pang post, sinabi ni Chito kung gaano siya ka-proud sa asawa niyang si Neri.

Lahad niya, “Sobrang proud talaga ako sa asawa ko.

“Alam nyo kasi, takot na takot si Neri sa karayom. Kahit simpleng pagkuha lang ng dugo, namumutla sya, nagpapawis ang mga palad, at akala mo mahihimatay.

"Kaya kung alam nyo lang kung gaano kahirap yung pinagdaanan nya sa pagbubuntis at panganganak, at kung paano nya buong tapang na tiniis at hinarap, mabibilib din talaga kayo.

"Di ko nalang ikukwento lahat ng details... basta sobrang dasal talaga ako ng dasal, pero syempre di ko pwede ipakita kay Neri na sobrang kinabahan ako.

"Kaya sobrang thankful ako na ok na lahat... ok na si Neri, at ok na ok din ang anak namin.

"Totoo talaga yung sinasabi nila na nakayapak sa hukay ang isang paa ng manganganak.

"Saludo talaga ako sa lahat ng mga nanay. Grabe.

"Good job asawa ko!

"Sorry kung senti ako...I'm sure you all understand, some of you more than most.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sobrang proud talaga ako sa asawa ko. Alam nyo kasi, takot na takot si Neri sa karayom. Kahit simpleng pagkuha lang ng dugo, namumutla sya, nagpapawis ang mga palad, at akala mo mahihimatay. Kaya kung alam nyo lang kung gaano kahirap yung pinagdaanan nya sa pagbubuntis at panganganak, at kung paano nya buong tapang na tiniis at hinarap, mabibilib din talaga kayo. Di ko nalang ikukwento lahat ng details...basta sobrang dasal talaga ako ng dasal, pero syempre di ko pwede ipakita kay Neri na sobrang kinabahan ako. Kaya sobrang thankful ako na ok na lahat...ok na si Neri, at ok na ok din ang anak namin. Totoo talaga yung sinasabi nila na nakayapak sa hukay ang isang paa ng manganganak. Saludo talaga ako sa lahat ng mga nanay. Grabe. Good job asawa ko! Sorry kung senti ako...I'm sure you all understand, some of you more than most.

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Samantala, sa Instagram account naman ni Neri ay ikinuwento niya ang ‘salitan ng duty’ nila ni Chito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN