Marlo Mortel resigned to Janella Salvador-Elmo Magalona loveteam: "It's their time."

IMAGE Noel Orsal

Marlo Mortel may have lost Janella Salvador as a screen partner, but they remain steadfast friends: "Close pa rin kami. Kasi yung friendship na nabuo namin, iba… dikit talaga. Nagkakausap pa rin kami, normal, ganun pa rin."


Nagpahayag ng panghihinayang ang Kapamilya actor na si Marlo Martel sa naudlot nilang love team ni Janella Salvador.

Pag-amin niya, “Hindi naman maiaalis, meron talaga.

“Hindi naman maitatanggi na meron talaga kaming chemistry on screen.

“Napatunayan naman namin yun, Haunted Mansion, top three [sa MMFF]; Oh My G, Be Careful [With My Heart]... successful.”

Sa ginanap na press conference ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment, Inc., kung saan magkasama sila ulit ni Janella, nabanggit ni Marlo na ang litanya niya ngayon ay “napag-iiwanan.”

Pero mabilis din niya itong binawi.

“Hindi, joke ko lang yun,” nakangiting paglilinaw ni Marlo.

May nabago ba sa samahan nilang dalawa ni Janella ngayong si Elmo Magalona na ang bini-build up na ka-love team nito ng Kapamilya network?

Tugon ni Marlo, “Wala, close pa rin kami.

"Kasi yung friendship na nabuo namin, iba… dikit talaga.

“Nagkakausap pa rin kami, normal, ganun pa rin.”

Dugtong pa niya, “Hayaan ko na sila… okey lang yun.

“Kumbaga, it’s their time, so support lang ako.”

STAND ALONE. Inamin ni Marlo na gusto niya sanang magkaroon din siya ng kapareha.

Sabi niya, “Yung career ko kasi, naging more on stand alone na ako.

“Wala na akong ka-love team, parang ako, mag-isa lang.

“Umaasa rin ako na, at the right time, mabigyan din ako ng someone.”

Sino naman ang gusto pa niyang makapareha bukod kay Janella?

Ayon kay Marlo, “Hindi ko alam, e, wala pa naman kasi silang ibinibigay for now.

“Kung ako, ang hirap mamili.”

Pero dugtong din niya, “May mga crush ako, tulad ni Sarah Geronimo.

“Mahilig ako sa mga ganoong beauty na mga singkit, magaling kumanta.

“Type ko yung mga ganung beauty but, of course, hindi naman yun possible for now.

“Hopefully, kung sino ang ibigay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN