Rufa Mae Quinto ties the knot with Trevor Magallanes

IMAGE @yes_magazine on Instagram

Ikinasal na si Rufa Mae Quinto sa fiancé niyang si Trevor Magallanes ngayong Biyernes ng hapon, November 25, sa Libis, Quezon City. Pinangasiwaan ni Mayor Herbert Bautista ang civil ceremony, samantalang mga pastor mula sa Victory Fellowship Church ang namahala sa Christian rites.


Legal nang Mrs. Trevor Magallanes ang comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Ginanap ang civil at Christian wedding nina Rufa Mae, 38, at Trevor, 29, sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City, bandang alas-tres ng hapon ngayong Biyernes, November 25.

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nangasiwa sa civil ceremony, samantalang mga pastor mula sa Victory Fellowship Church ang nangasiwa sa Christian ceremony.

Ang naging bridesmaids ni Rufa Mae ay ang kanyang close friends mula sa showbiz na sina LJ Moreno-Alapag, CJ Jaravata, Joyce Jimenez, Grace Lee, Camille Villar, at Shalani Soledad-Romulo.

Bago pa man sila ikasal ay nagdadalang-tao na si Rufa Mae sa panganay nila ni Trevor.

Ang ilan pang mga kaibigan ng komedyana na dumalo sa kanyang kasal ay sina Ai-Ai delas Alas, Aiko Melendez, Vina Morales, Jean Garcia, Alice Dixson, at Cesar Montano.

Ayan ikaw na susunod tya ai ai :) @msaiaidelasalas Gerald @mikhailhirang and I at #rufamaetrevorthisisit ??

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

Congratulations and best wishes, Rufa Mae and Trevor!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN