Vic Sotto on the insult Mother Lily got: "You may disagree, hindi yung magmumura ka."

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto on issue between indie and mainstream movies: "I still go back to my statement na kanya-kanyang taste lang iyan, kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang pananaw. But isa lang ang hinihiling ko, magrespetuhan kami."


"I don’t see any division. Pare-pareho naman kaming nasa same industry."

Ito ang naging sagot ni Vic Sotto nang tanungin siya tungkol sa namumuong kusot sa pagitan ng indie films at mainstream films.

Nagsimula ang kusot nang karamihan sa nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ay mga independent films, aka indie, at walang isa sa mga malalaking mainstream films ang nakapasok.

Taon-taon, ang malalaking pelikula, kasama na ang mga comedy/fantasy ni Vic, ay pasok sa MMFF, na ginaganap tuwing Christmas season.

Ngayong taon, hindi nakapasok ang kanyang pinagbibidahan at co-production na Enteng Kabisote 10 and Abangers.

Hinarap ni Vic ang mga websites—kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa bloggers' conference ng kanyang pelikula noong November 25.

Dagdag pa ni Vic, "Ako, personally, wala akong iniisip na iba sila, iba kami.

"I still go back to my statement na kanya-kanyang taste lang iyan, kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang pananaw."

Pero magkakaiba man ang opinyon, "isa lang ang hinihiling" ng Eat Bulaga! host.

Aniya, "Magrespetuhan kami. Respeto lang."

Liban sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers, ang dalawa pang kilalang mainstream movies na hindi nakapasok sa official entries ng 42nd Metro Manila Film Festival ay: Mano Po 7: Chinoy ng Regal Films at The Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin ng Star Cinema.

Kaya ang naging pahayag ng Regal Films matriarch na si Lily Monteverde, "You know, there is a time for the indie movies, but not Christmas season. Christmas is for the family."

Read: Mother Lily on MMFF 2016 entries: "There is a time for the indie movies, but not Christmas season."

Ang reaksiyon dito ni Vic, “Totoo naman ang sinasabi ni Mother."

Pero ang sumunod niyang pahayag ay hindi na tungkol sa sinabi ni Mother Lily.

"Kung may magmumura kay Mother, hindi naman tama yun. I go back to respect.

"Kahit anong sabihin no'n, respetuhin mo.

"You may disagree with her opinion, pero sabihin mo bakit ka nagdi-disagree, hindi yung magmumura ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nabanggit ang indie actress na si Mercedes Cabral, pero tila siya ang tinutukoy ni Vic.

Matatandaang nagalit si Mercedes sa sinabi ni Mother na hindi bagay ang indie films sa Disyembre.

Ito ang huling bahagi ng social media post ni Mercedes: "F***ing idiot.”

Tinanggal naman agad ni Mercedes ang kanyang post, ngunit may mga tiga-industriya na nakabasa na nito at nagkomento laban dito.

Read: Actress Mercedes Cabral blasts Mother Lily for her statement about indie films in MMFF 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN