Jairus Aquino and Sharlene San Pedro do not want to compete with other love teams

IMAGE Courtesy of ABS-CBN PR

"Iba 'yong love team namin ni Jairus, hindi parang sobrang kilig na kilig," Sharlene San Pedro describes her tandem with Jairus Aquino.


Malayo pa raw ang tatahakin ng tambalang Jairus Aquino at Sharlene San Pedro para marating ang kasikatan ng popular love teams ng ABS-CBN ngayon.

Sa ginanap na press conference ng Langit Lupa kamakailan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young onscreen couple tungkol sa posibleng pagkukumpara sa kanila sa iba pang love team.

We still have a lot of things to do, a long way to run,” sabi ng 17-year-old na si Jairus.

Para naman sa 17-year-old na si Sharlene, ayaw niyang isiping kakumpetisyon nila ang ibang love teams.

Aniya, “Parang never kong titingnan 'yon sa ganung paraan.

Parang ginagawa ko lang ito dahil may sumusuporta pero ayaw kong higitan, ayaw kong sabihin na gusto kong higitan o parang gusto kong marating 'yon.

Ang gusto ko, makuntento lang sa amin ang fans namin, mabigay namin kung ano ang gusto nilang makita sa amin.”

Kaya naman sa muling pagtatambal nila sa teleserye, asahan sina Jairus at Sharlene, o mas kilala bilang Jailene love team, na magbibigay muli ng kilig sa kanilang fans sa bagong morning teleserye ng ABS-CBN.

Ani Sharlene, “Iba 'yong love team namin ni Jairus, hindi parang sobrang kilig na kilig.

Parang ito 'yong mas barkada type, hindi pa-tweetums talaga.

Iba 'yong ino-offer namin na kilig talaga na mapapanood nila sa Langit Lupa.”

Bago ito, napanood ang magkapareha sa Luv U, Wansapanataym, at Nathaniel.

Halos isang taon na rin silang magkasama bilang VJ para sa MYX music channel.

STABLE FAN BASE. Samantala, nagpasalamat naman ang dalawang Kapamilya teen stars sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang team up.

Sabi ni Sharlene, “Sobrang saya kasi parang ang tagal na rin naming magka-love team ni Jairus.

Simula Luv U 'tapos hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila.

Lagi kong sinasabi na wala kami rito kung wala sila.

Kaya sobrang thank you po sa inyong lahat kasi hindi kayo nagsasawa sa amin ni Jairus.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan naman ito ni Jairus, “Sobrang happy kasi mahirap bumuo ng fan base, mahirap palakasin.

Ngayon nagiging strong nga, so sana mas maging strong pa.”

Jairus Aquino and Sharlene San Pedro at #LangitLupapresscon.

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN