Luis Manzano and Jessy Mendiola looking so sweet in Thailand

IMAGE @luckymanzano / @senorita_jessy on Instagram

Isa ito sa mga larawan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola na kuha sa Phuket, Thailand.


Walang direktang inaamin sina Luis Manzano at Jessy Mendiola tungkol sa kanilang relasyon.

Pero kagaya ng ibang showbiz couples, sa mga posts nila sa social media makikita kung sila na ba talaga o hindi.

Noong Huwebes, November 24, bumiyahe patungong Phuket, Thailand, sina Luis at Jessy.

Unang nag-upload ng selfie sa kanyang Instagram si Jessy nang naka-swimsuit.

All the right angles and eyebags.

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Kahapon, November 25, sunud-sunod na nag-upload ang dalawa ng kanilang larawan at video na nagte-training para sa combat sport na Muay Thai.

Thanks for having us @tigermuaythai  see you again tomorrow!!! @joey.angeles

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Sunod na in-upload ng Family Feud host ang larawan nila ni Jessy na nag-swimming sa Kata Beach, Phuket.

Isang word lang ang caption ni Luis: “Hi.”

Hi

A photo posted by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Si Jessy naman ay nag-upload din ng larawan nila ni Luis kung saan nasa background nila ang napakagandang sunset sa Kata Beach.

Inilagay niya sa caption ang emoticon na hugis puso.

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN