Comedian Atak remembers the late director Wenn Deramas: "Alam kong hindi niya ako pinapabayaan."

IMAGE Noel Orsal

Atak says the late director Wenn Dramas had taught him well. "Yung training namin kay Direk Wenn, sobrang ganda. Hindi lamang pang-ngayon yun, kundi panghabang-buhay. As long as nandiyan ang komedya, magagamit talaga namin."

 


Isa si Atak sa sinasabing protege ni Direk Wenn Deramas.

Sa katunayan, tumira ito sa tahanan ng director sa mahigit na sampung kaya nang yumao ito noong February 29, 2016, ang buong akala raw ng stand-up comedian ay wala na siyang puwang sa showbiz.

Aniya, “Nung mailibing si Direk Wenn, ang lungkut-lungkot ko talaga.

"Sabi ko, 'Paano iyan, sino na ang tutulong sa akin?'

"Alam mo, lagi na lang akong ginagabayan ni Direk Wenn.

"Kahit paano ay hindi pa rin ako nawawalan ng projects, medyo nagkasunud-sunod pa rin.

"Kaya pasalamat pa rin ako sa kanya dahil alam kong hindi niya rin ako pinapabayaan."

Bukod dito, may talento naman talaga siyang maipagmamalaki at maganda rin ang attitude niya sa trabaho.

Ayon kay Atak, "Yun naman kasi talaga ang kinagisnan naming aral kay Direk Wenn.

"Dapat mahalin ang trabaho, dapat yung ugali, laging humble lang at laging nagpapasalamat sa Itaas.

"At saka, yung naituro niya sa amin pagdating sa komedya, sobra talaga.

"Basta naumpisahan na namin ay kaya na naming i-perform nang maayos.

"That's why yung training namin kay Direk Wenn, sobrang ganda.

“Kasi hindi lamang pang-ngayon yun e kundi panghabang-buhay.

"As long as nandiyan ang komedya, magagamit talaga namin."

Kabilang si Atak sa Enteng Kabisote 10 & the Abangers, na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Sa previous Metro Manila Film Festivals, ang mga pelikulang prinodyus ni Vic at mga idinirehe ni Direk Wenn ang nag-unahan sa takilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN