Jessy Mendiola shrugs off missed encounter with Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola sees no conflict with Angel Locsin, Luis Manzano's ex-GF: "Pakiramdam ko naman po, okay talaga kami kahit dati pa. I think yung mga fans, yung talagang hardcore na sumusuporta sa kanya at sa akin, sila-sila po yung nagka-clash."


Hindi isang malaking sorpresa kay Jessy Mendiola ang pagdalo ni Angel Locsin sa anniversary celebration ng Banana Sundae.

Si Jessy ay kabilang sa regular cast ng nasabing award-winning gag show ng ABS-CBN na umeere tuwing Linggo, habang si Angel naman ay isa sa mga guest stars sa programa.

Sabi ni Jessy, “Sinabi na po sa akin na magi-guest po siya.”

Masaya si Jessy sa pagpapaunlak ni Angel na maging kabilang sa selebrasyon ng show.

Saad pa ng dalaga, “Natutuwa po, kasi we need support of other big stars.

“So dahil pinaunlakan niya ang imbitasyon ng iba kong co-stars... kasi part po siya ng isang segment ng isa sa mga co-stars ko.

“Masaya naman po kami na pumayag siya.”

Nakapanayam si Jessy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang miyembro ng entertainment media sa nakaraang presscon para sa lalabas na pelikulang Mano Po 7: Chinoy, kunsaan kasama siya sa cast.

Ginanap ito nitong nakaraang Martes, November 22, sa Valencia Events Place na pag-aari ni Mother Lily Monteverde na siya ring producer ng Mano Po 7.

Natanong si Jessy tungkol kay Angel dahil sa isang taong nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Ito ay si Luis Manzano na ex-boyfriend ni Angel at kasalukuyang kasintahan naman ni Jessy.

Noong panahong nali-link sina Luis at Jessy, nagkaroon ng ispekulasyon na diumano’y ang huli ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa relasyon sina Angel at ang Minute To Win It host.

Nagatungan pa ang isyu nang maglabas ng isang makahulugang mensahe sa social media si Angel tungkol sa nababalitang romantic closeness nina Luis at Jessy.

NO FACE-TO-FACE ENCOUNTER. Ang guesting ni Angel sa Banana Sundae anniversary presentation ang kauna-unahang pagtatagpo sana ng dalawa mula nang lumabas ang balitang nagdi-date sina Jessy at Luis nitong July.

Pero hindi raw nagkaroon ng pagkakataong magsama ang parehong Kapamilya stars sa isang segment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jessy, “Ay, hindi po, kasi po iba po yung sa amin [segment].

“Kasi iba po yung ka-group ko, e.”

Hindi raw sila nagkita nang harap-harapan ni Angel.

“Hindi po, e. Magkalayo po kami,” dagdag pa niya.

Sa paniniwala ni Jessy, okay sa kanya na hindi sila nagkasama ni Angel sa isang segment sa show.

“Kasi iba po yung prods [production] namin.

“Kasi kasama ko po si JC [De Vera]. Iba po yung ginawa namin.”

Sa tanong kung magandang simula na ito para maging maayos na silang dalawa ni Angel, idinaan na lang ni Jessy sa tawa at alinlangan ang kanyang sagot.

Pakli niya, “Siguro po, opo.”

APPEAL TO HOSTILE FANS. Bagamat hindi pa sila nakakapag-usap ni Angel, naniniwala naman si Jessy na wala silang problema sa isa’t isa.

Pahayag pa niya, “Pakiramdam ko naman po, okay talaga kami kahit dati pa.

“I think yung mga fans, yung talagang hardcore na sumusuporta sa kanya at sa akin, sila-sila po yung nagka-clash.

“Para po sa akin, sana po huwag na lang nating gawin [na mag-away] para na lang din happy na lang lahat ng tao.”

May mga common friends ba sila ni Angel na gumagawa ng paraan para magkaayos sila?

Tugon ng FHM Sexiest Woman 2016 titlist, “Hindi naman po, kasi siguro nirerespeto rin nila po yung timing ng bawat isa, yung privacy ng bawat isa.

“So hindi na po nakikialam yung ibang tao.”

DEALING WITH HER BASHERS. Pagdating naman sa kanyang mga bashers sa social media, kapansin-pansing hindi na masyadong pikon si Jessy sa mga ito.

Sabi niya, “Sometimes it gets to me, but I guess gano'n lang talaga lahat ng mga tao.

“May mga time na sasaktan ka...Happy na lang tayo lahat.

“Oo, tanggap ko naman lahat na yung iba ayaw sa akin.

“Gano'n talaga ang buhay. May mga ayaw sa iyo, may mga gusto ka naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May natutunan ba siya kay Luis tungkol sa pag-handle sa mga bashers?

“Napagsasabihan niya ako na dapat hayaan ko na lang sila.

“Yun ang ginagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN