Inah de Belen not ready to accept suitors for now

IMAGE @czarinahisabella on Instagram/ Ruel Mendoza

Inah de Belen prefers to be good friends with her Oh My Mama! co-star Jake Vargas (right):  "Mas maganda po siguro na maging magkaibigan muna kami. Wala naman po sigurong nagpe-pressure sa kanya na ligawan ako, di ba?"


Happy ang Kapuso actress na si Inah de Belen dahil isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2016 ang pelikulang Die Beautiful, kunsaan kasama siya sa cast na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

First movie ni Inah ang Die Beautiful at first time niyang magkaroon ng pelikula na kabilang sa MMFF.

Kung noon daw ay ang ina niyang si Janice de Belen ang parating may pelikula sa MMFF, ngayon ay siya naman.

“I remember, si Mommy, parating may movie sa MMFF because of Shake, Rattle & Roll.

“Iba-iba parati ang roles niya every Christmas.

“Now I get to experience being in the MMFF.

“Ma-e-experience ko na ang sumakay ng float sa parade.

“I only wish that people will watch our movie kasi ang galing dito ni Kuya Paolo.

“Pang-Best Actor at Best Actress siya sa movie na ito,” pahayag pa ni Inah nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Oh, My Mama! sa Old Balara, Quezon City.

Kung masaya si Inah dahil sa Die Beautiful, medyo nalungkot naman siya sa nalalapit na pagwawakas ng teleserye niyang Oh, My Mama!

OH MY MAMA! ENDING. Hindi raw napansin ni Inah na tatlong buwan na ang nakaraan at magtatapos na ang kanilang teleserye.

“We had a good run.

“Everybody loves the story of Maricel and how she cared for the street children.

“Nakakalungkot lang, kasi magkakahiwalay na kami.

“Naging very close ako sa mga bata.

“Ako pa nga ang bine-baby nila kasi mas malalaki sila sa akin!” tawa pa niya.

Mami-miss din ba niya ang kanyang mga naging leading men na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales?

“Opo naman. I will miss both of them.

“Naging very supportive sila sa akin kasi ito ang naging first teleserye ko.

“Sabi ko nga, kung puwede na silang dalawa ulit ang makasama ko sa next teleserye ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi naging close na kaming tatlo 'tsaka they’ve been the perfect gentlemen, lalo na si Jake na mas madalas kong makasama sa mga eksena.

“Hopefully, makatrabaho ko ulit silang dalawa,” ngiti pa ni Inah.

NOT READY TO BE COURTED YET. Nabanggit noon ni Jake na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang mas makilala pa ni Inah.

Hindi raw kasi sapat ang tatlong buwang nagkasama sila sa isang teleserye.

Kung ang ibig sabihin ni Jake ay type niyang ligawan si Inah, okay lang ba ito sa kanya?

Sagot ng dalaga, “Mas maganda po siguro ay mas makilala muna namin ang isa’t isa.

“Okay lang po if he still wants to see me after our teleserye.

“Pero sa Paranaque na niya ako pupuntahan.

“Doon kasi ang house namin.

“And if Jake is serious sa sinasabi niya na he wants to know me better, sa bahay niya ako puntahan.

“I know it’s far, pero kung willing siyang i-sacrifice yung layo ng biyahe at traffic, then doon ko malalaman na he’s really serious at hindi niya ako sinu-showbiz, di ba?”

Pero mas gusto ni Inah na maging good friends muna sila ni Jake.

“Mas maganda po siguro na maging magkaibigan muna kami.

“Wala naman po sigurong nagpe-pressure sa kanya na ligawan ako, di ba?

“As friends, we can hang out with our common friends.

“Walang maiilang at walang nag-e-expect.

“'Tsaka hindi pa naman po ako ready to accept suitors.

“I want to focus on my career and do what it right sa ngayon—be unattached and enjoy my work,” pagtapos ni Inah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN