Sinon 'Rogelia' Loresca dreams of meeting longtime crush Piolo Pascual

IMAGE Noel Orsal

Sinon Loresca, also known as Rogelia in Eat Bulaga's long-running Kalyeserye, confesses about his crush on Piolo Pascual: "Noon pa talaga. Simpleng mamamayan pa lang ako ay si Piolo na ang crush ko. Sana nga makilala ko siya. Hindi ko pa siya name-meet in person. Ewan ko lang kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling makita ko siya in the flesh."


Aminado si Simnon 'Rogelia' Loresca na longtime crush niya sa showbiz ang Kapamilya matinee idol na si Piolo Pascual.

Lahad niya, ??Noon pa talaga. Simpleng mamamayan pa lang ako ay si Piolo na ang crush ko.

??Sana nga makilala ko siya. Hindi ko pa siya name-meet in person.

??Ewan ko lang kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling makita ko siya in the flesh.

??Baka himatayin ako sa tuwa!??

UNEXPECTED CAREER. Si Sinon ay mas kilala bilang si "Rogelia" sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi raw niya inasahang magkakaroon siya ng showbiz career sa Pilipinas.

Kung noon daw ay pinapanood lang niya ang mga artista sa TV at pelikula, ngayon ay nakakasama at nakakatsikahan na niya ang mga ito.

??Hindi ko po talaga ine-expect na mangyayari sa akin ito??as in, wala sa pangarap ko na maging artista ako.

??Biglaan nangyari sa akin ito lahat, kaya sobra akong nagpapasalamat kay Lord dahil sunud-sunod ang blessings na dumating.

??Bukod sa TV ay may pelikula pa.

??Kaya I promise na iingatan ko ang trabaho kong ito,?? pahayag ni Sinon nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand press conference ng pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Ginanap ang presscon sa Annabel??s restaurant, sa Tomas Morato Ave., Quezon City, noong November 25.

RELUCTANT STAR. Nagbabakasyon lang daw si Sinon sa Pilipinas noong madiskubre siya dahil sa videos na ina-upload niya sa YouTube.

Inanyayahan siya para mag-audition sa Kalyeserye dahil naghahanap sila ng puwedeng gumanap na Rogelia, ang bading na bodyguard ni Lola Nidora (Jose Manalo).

Kuwento ni Sinon, ??I was on vacation dito sa Pilipinas noong may magsabi na mag-audition ako sa Kalyeserye.

??Naka-base na ako sa London and I work in retail sa Burberry store.

??Noong sabihin sa akin ng kaibigan ko na may naghahanap sa akin dahil interesado silang makita ako, bigla akong nahiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Kasi hindi naman ako artista. Yung mga ina-upload ko sa YouTube, katuwaan lang naman iyon.

??Hanggang sa makilala ko na nga si Ms. Jenny Ferre ng Eat Bulaga! at doon na nagsimula ang lahat.

??Na-intimidate nga ako sa mga tao doon kasi siyempre baguhan ako at wala akong experience talaga sa acting.

??Naging very supportive naman silang lahat sa akin at sinabing maging natural lang ako. Kung ano ako sa totoong buhay, iyon ang ilabas ko.

??Kaya ayun, natuwa sila sa akin at nag-enjoy din ako dahil ang babait nila Kuya Wally [Bayola], Kuya Jose [Manalo], Paolo [Ballesteros], Maine [Mendoza], at Alden [Richards].

??Kaya mabilis akong naging at home sa kanila kasi wala silang mga ere lahat.

??Very down-to-earth ang mga tao sa Kalyeserye.??

Bukod sa Kalyeserye ay naging part din ng cast si Sinon ng comedy series na Calle Siete.

Nakasama rin siya sa mga pelikulang Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend? at Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

SETTING ASIDE HIS RETAIL JOB. Dahil sa magandang takbo ng career ni Sinon, nagdesisyon siyang iwan na ang trabaho niya sa London.

Pag-amin pa niya, ??Hindi rin naging madali sa akin ang mamili kasi mahal ko ang trabaho ko sa retail.

??Marami na akong natutunan sa trabaho ko doon.

??At the same time, enjoy din ako dito.

??Dito, nakaka-rubbing elbows ko ang mga celebrities. Plus maganda rin ang kinikita ko.

??So, nag-decide ako na dito na muna ako. Gusto ko pang ma-experience ang mga magaganap sa showbiz.

??Anytime naman puwede akong bumalik sa trabaho ko sa London.

??May residence card na ako kaya walang magiging problema.

??Enjoy kasi ako dito sa atin. Masaya lang. Kahit may mga problema, parating masaya ang Pinoy.??

??SINGLE AND AVAILABLE.?? Wala naman daw mami-miss si Sinon sa London dahil matagal na raw silang break ng kanyang British boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit niya, ??Single and available ako ngayon!??

??Matagal na akong walang boyfriend.

??Mahirap kasi na committed ka tapos long distance love affair.

??Hindi nagwu-work iyon. I already tried it at wala talagang nangyayari.

??Kaya better na single ako at walang iniisip na ibang tao, di ba?

??Para puwede rin akong makipag-date sa iba na hindi ako nagi-guilty!??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN