Michael Pangilinan's birthday wish to see his son not granted

IMAGE Noel Orsal

Isa lang daw ang wish ni Michael Pangilinan para sa kanyang ika-21 kaarawan, ang makapiling ang kanyang anak. Ngunit hindi ito natupad dahil hindi pinahiram sa kanya ng anak ng bata ang kanilang anak.


Ipinagdiwang ng singer na si Michael Pangilinan ang kanyang 21st birthday noong Sabado, November 26, sa pamamagitan ng isang libreng concert na ginanap sa Rajah Sulayman, sa Roxas Boulevard, Manila.

Bagamat masaya siya dahil nagkaroon siya ng concert sa mismong araw ng kanyang kaarawan, may lungkot na nararamdaman si Michael dahil hindi natupad ang birthday wish niya.

Ito ay ang makapiling ang kanyang one-year-old son mula sa dati niyang non-showbiz girlfriend.

Hindi raw kasi pinahiram ng kanyang dating girlfriend ang kanilang anak.

Kuwento ni Michael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters pagkatapos ng concert niya, “Kanina, bago ako umalis ng bahay, nagdasal ako na sana magkaroon ng himala na ipahiram sa akin yung anak ko. Kaso wala, e.

“Alam ninyo yun? Kunwari, baligtarin natin [yung sitwasyon]... eto, totoo ito, huh!

“Kung halimbawang siya ang may birthday, tapos nasa akin yung anak namin, ipapahiram ko sa kanya yung bata. Birthday, e.

“Ano ba naman yung... kahit hindi ikaw ang magdala, e, di ipasuyo na lang niya, ipahatid na lang niya, di ba?

“Hindi lang yun malaking bagay para sa akin [na makasama ang anak niya]. Siya ang buhay ko.

“Birthday ko, debut ko, gusto kong makasama ang anak ko...”

Pagkasabi nito ay hindi na napigilan ni Michael ang mapaiyak.

Hangang sa huling sandali ay umasa raw si Michael na darating ang kanyang anak sa concert niya.

Saad niya, “Humingi ako ng dasal sa lahat.

“Sabi ko, ipagdasal ninyo na sana maghimala na...

“Ang mga text sa akin, ‘Sana magulat ka na lang, sana sorpresahin ka.’

“Ganun ang gusto nilang mangyari.

“So, umasa ako.”

Patuloy ng singer, “Kasi kung matino ka.., birthday nung tatay, debut pa.

“Ano ba naman yung mag-effort ka?

“A little effort na... may kotse ka naman, bumiyahe ka.

“Kung nakikipagmataasan ka ng pride, e, di huwag kang bumaba, ipahatid mo na lang yung bata. Madali naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natapos yung concert, nganga!

“Hindi ko nakita yung anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN