Nadine Lustre confirms offensive TIMY extra has been axed from show

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre confirms that Joed Medina, the Till I Met You extra who lambasted her on social media, has been ousted from the show: "Ang ginawa na lang ng Dreamscape, parang tinanggal na lang nila kasi parati kong makikita and all, tapos palagi siyang nandun."

 


Isang extra ng Till I Met You, na nangangalang Joed Medina, ang nakaranas ng katakut-takot na pamba-bash mula sa mga JaDine fans dahil daw sa paninira nito kay Nadine sa social media.

Ilan sa mga negatibong pinost ng nasabing extra ay ang paglilip-synch daw ni Nadine sa nakaraang JaDine In Love concert nila, at ang pagsasabing dapat sampalin daw ang aktres para mawala ang attitude problem nito.

Read: Till I Met You bit player stands by statement against Nadine Lustre

Read: JaDine fans petition to oust Till I Met You bit player for bashing Nadine Lustre

Nang tanungin namin ang aktres tungkol sa issue ay kinumpirma nito na tinaggal na ang nasabing extra sa Till I Met You.

Sabi niya, “Di ko alam, e. Parang kinuwento na lang sa akin.

“Ako naman parang deadma lang ako, pero sabi nila ang dami na raw sinasabi [tungkol] sa akin.

“Ang ginawa na lang ng Dreamscape, parang tinanggal na lang nila kasi parati kong makikita and all, tapos palagi siyang nandun.

“I can remember, last time na nagkita kami, humingi pa siya sa akin ng video greetings, so sabi ko, 'Okay.'

TIMY PRODS TAKE EXTRA PRECAUTION. Noong nakaraang Nobyembre 2 ay nagpadala ng summons letter ang pamunuan ng MTRCB sa ilang production staff ng programang Till I Met You.

Dahil ito sa pagpapalabas ng ilang maseselan at sensitibong eksena sa seryeng pinagbibidahan nila James Reid at Nadine Lustre.

Partikular na pinuna ng MTRCB ang mga episodes na umere noong October 25, 26, 27 at 28.

Kasama sa mga pinatawag ay ang mga direktor ng programa na sina Direk Antonette Jadaone at Direk Andoy Ranay, executive producer Arnel Nacario, at ang writer ng programa na si Shugo Parico.

Read:MTRCB summons Till I Met You heads over James Reid-Nadine Lustre love scene

Read:MTRCB Chairman Toto Villareal denies selective censorship with Till I Met You love scene

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ininterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine kahapon, November 26, sa launching ng aktres bilang bagong franchisee ng NAILS.Glow sa Microtel Hotel sa U.P. Technohub.

Aminado si Nadine na ngayon ay mas maingat na sila sa mga eksenang ipapalabas sa pinagbibidahang serye sa ABS-CBN.

Pahayag niya, “Well, kung kailangan naman kasi talaga sa scene, kasi yun ang bumubuo sa story, e.

“Siguro mas nag-iingat na lang kami nang kaunti, pero nire-review din naman nila Direk Tonette.

“So, kung sa tingin nila di na super puwede o sumosobra na and all...

“Kung super-revealing na, super daring na, siyempre ii-screen na nila yun. Tatanggalin na nila."

B-DAY GIFT FROM JAMES. Kapansin-pansin sa presscon proper ng NAILS.Glow ang paghawak palagi ng aktres sa suut-suot nitong kuwintas na may inscription na “Always.”

Kuwento ni Nadine, birthday gift ito sa kanya ni James.

Saad niya, “Birthday, pero medyo natagalan, kasi nga nag-Korea kami, so pagbalik ko saka niya binigay.

“Di ko na tinanong, ayaw niyang magkuwento, e.

“Kasi natatakot ako, baka matanggal siya, kasi delicate kasi yung chain niya.

“Baka mamaya magulat ako wala na pala siya.”

Nang tanungin kung ano ang Christmas plans nila ng boyfriend, sinabi niyang dito lang nila balak magselebra ng Pasko.

Lahad niya, “Christmas plans? Gusto namin dito lang kami talaga sa Manila.

“Simple lang.

“Out of the country? Wala, pero tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN