Bea Binene optimistic about new crop of MMFF entries

IMAGE Noel Orsal

Bea Binene feels optimistic about the new batch of entries for this year's Metro Manila Film Festival: "I'm sure maganda naman yung mga pelikula. Di naman nila maa-approve yun at mapilili yun kungdi maganda naman yung pelikula."


Tulad ng ibang artista at mga taga-industriya, nagulat din si Bea Binene nang di makasama ang Enteng 10 and The Abangers sa official entries ng MMFF, pero sa kabila nito ay naniniwala ang aktres na tiyak na dekalidad at magaganda rin naman ang mga pelikulang napili dito.

“Nung nakita ko yung final list, ini-screenshot ko agad, then sinend ko agad sa kakilala ko sa Octo Arts.

“'Totoo ba ito?’ ganyan, ganyan.

“Di ako makapaniwala kasi lumaki ako, nagkaisip ako na si Bossing may entry sa MMFF.

“'Totoo ba ito na wala ito?' Sabi nga nila, 'Paano yun?' Ganyan.

“Siyempre nagulat ako yung big players na usual nating nakikita...

“Di ba sa TV mayroon ‘yang mga gross, ranking?

“Wala, e. I’m sure maganda naman yung mga pelikula.

“Di naman nila maa-approve yun at mapilili yun kungdi maganda naman yung pelikula.”

PROUD TO BE PART OF ENTENG. Magkasabay ang showing ng mga pelikulang Super Parental Guardians at Enteng Kabisote 10 and the Abangers sa darating na November 30.

Parehong hindi napasama sa walong official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival ang dalawang pelikula, kaya’t inaabangan ng publiko kung sino ang higit na tatangkilikin at mas papanoorin ng publiko.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea Binene sa nakaraang presscon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers noog nakaraang Huwebes, November 24, sa Annabel's sa Tomas Morato Ave., Quezon City, agad naming tinanong ang aktres kung kinakabahan ba siya na makakatapat nila ang Super Parental Guardians sa takilya?

Kabilang sa Bea sa cast ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers, na pinagbibidahan ni Vic Sotto kasama ang iba pa niyang Eat Bulaga Dabarkads.

“Katulad naman ng sinabi ni Bossing, puwede namang dalawa.

“After panoorin yung Enteng, sila naman.

“Ako. okay lang naman yun, nasa tao naman yun kung ano ang gusto nilang panoorin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, mini-make sure ko na maganda yung pelikula namin, ang Enteng Kabisote.

HONORED. Kahit masayang-masaya si Bea dahil nakasama siya sa cast ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers, inamin niya na nalungkot din siya noong nabalitaan niyang hindi nakasama ang kanilang pelikula sa Magic 8 ng MMFF para sa taong ito.

“Nakatrabaho ko na si Bossing sa Vampire Ang Daddy Ko pero TV kasi ‘yun, e.

“Of course, it’s still an honor. Medyo nai-starstruck pa rin ako kasi idol ko si Bossing, e.

“Kinalakihan ko na pinapanood lahat ng pelikula ni Bossing.

“It’s really na honor and pleasure to be part of the film.

“Siyempre nalulungkot ako kasi di siya nakasama sa MMFF, pero at the same time I’m very excited dahil maganda yung pelikula.”

NO MORE FLOAT RIDE. Sa presscon proper ng Enteng Kabisote ay nabanggit ni Vic Sotto na nalungkot nga raw si Bea dahil hindi sila makakasakay ng float sa darating na MMFF parade.

Hhindi naman ito itinago sa amin ng aktres.

Pag-amin ni Bea, “Oo, sinabi ko nga sa kanya.

“Nakasakay na ako sa float dati, nung Si Agimat at Enteng Kabisote pa.

“Sabi ko nga kanina, nag-prepare na kami.

“Siyempre MMFF ‘yan, Enteng may parade, so nagsyu-shoot pa lang sabi ko, 'Tita Ruth, may parade ‘yan, sama ako ha?'

“Sinabi ko na. Tapos, nag-check in na kami sa hotel near kung saan magpaparada.

“Tapos yun nga, wala na pala, so nakakalungkot.

“At the same time, masaya kasi mas maagang mapapanood ng mga tao yung pelikula.

“Sana magustuhan nila, hoping pa rin naman na magustuhan nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN