PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto to file complaints against Raymart Santiago's relative for hurting their son

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto on estranged husband Raymart Santiago: "Hindi niya kahit kailan pipiliin ang mga anak niya sa kahit sinong tao. Pagdating na pagdating sa pagprotekta sa pamilya, it would have been me alone. I really feel sorry for my kids dahil yun ang stand ni Raymart, na okay lang disiplinahin ng ibang tao at saktan ng ibang tao ang anak ko basta't kapamilya niya."


Nakatakdang maghain ng iba’t-ibang reklamo ang aktres na si Claudine Barretto kaugnay ng pananakit diumano sa kanyang anak na si Santino Santiago.

Child abuse, physical injury, at Violation Against Women and their Children (VAWC) Act ang ihahain daw ni Claudine sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Claudine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon, Nobyembre 28, nang makapanayam namin ito sa telepono.

Una nang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang trauma diumanong natamo ng kanyang anak.

Ipinost ni Claudine ang larawan ni Santino na may pasa raw sa braso, pati na ang resulta ng medico legal na isinagawa raw sa bata.

Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!!

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Yang Red sa Arm ng Anak ko saan nanggaling yan kung pinagsabihan nyo lang????

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Medico legal.ayan po Claudinians 10years old pinatulan at sinaktan!!!

A photo posted by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Si Santino ang pangalawang anak ni Claudine sa estranged husband nitong si Raymart Santiago, isa ring aktor.

Ang kanilang panganay ay ang adopted daughter nilang si Sabina.

PHYSICALLY HURT. Unang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang taong malapit kay Claudine, sa pamamagitan ng telepono, ngayong araw, November 27.

Ikinuwento nito ang pinanggagalingan ng naging posts ni Claudine sa Instagram.

Noong simula ay atubili ang aming source na magdetalye tungkol sa sinapit ng bunso ni Claudine dahil awang-awa raw siya sa aktres.

Mukhang “nakalutang” at wala pa raw tulog si Claudine.

Pero sinabi ng source na ang nanakit diumano sa anak ni Claudine ay isang “kamag-anak.”

Kalaunan, si Claudine na mismo ang nakausap ng writer na ito.

Simula niya sa amin, “Ang sakit, ang dami tumatawag sa akin, hindi ko sinagot. Ikaw, sinagot ko.

“Never ko ipinagdamot yung mga anak ko, pero hindi porke’t yung anak ko nagta-tantrum or wala sa mood, ibig ba sabihin nun yung ibang tao entitled, may karapatan nang saktan [ang bata]?”

Ayon pa kay Claudine, “Hindi lang siya palo, inano, tinwist yung arm, sinakal.

“Ang hirap to tell the truth.”

"NAKAKANGINIG." Pahayag pa ni Claudine, “Ang masasabi ko lang sa 'yo, makikiusap ako sa 'yo, bilang mom, hindi bilang artista, na ang hirap magtimpi kapag ang anak mo na ay sinaktan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos nito ay pinatamaan niya si Raymart.

“At saka ang pinakamasakit nun ay yung hindi napoprotektahan.

“Na parang, bakit ako na lang lagi na mag-isa ang pumuprotekta sa anak ko?

“Na parang hindi naman nila dapat pagdaanan ang mga pinagdaanan ko.

“Hindi lang naman ako ang may gawa ng mga anak ko, di ba?

“Ang akin lang, ang hinihingi ko lang ngayon..." 

Sunod, ang sabi ng aktres ay, "Kasi itutuloy ko talaga 'to.

“Kausap ko na yung lawyers ko.

“Alam mo, last night, nung kausap ko yung mom nung gumawa nito sa anak ko, alam mo yun, if only sana kung maayos siyang makipag-usap.

“Alam mo yun, at nag-sorry na lang.

“Kasi ako, kung may mali ang anak ko, sabihin mo sa akin, ako ang magdidisiplina.

“Hindi kayo ang magdidisiplina dahil pamilya kayo.”

Sa puntong ito ay tigalgal ang boses ng aktres at kasunod nito ay ang pagbuhos niya ng emosyon.

Umiiyak na pagpapatuloy niya, “Nakakanginig lang yung pakiramdam na wala kang magawa, kasi gustuhin ko man...

"Unang-una, before anything else, I'm a mother.

“Kung mada-damage ang career ko dahil pinoprotektahan ko ang anak ko, then so be it.

“Kasi, hindi deserving yung anak ko nang ganun.

“Hindi naman nagsisinungaling yung batang yun.”

PERSONAL APOLOGY. Ayon pa kay Claudine, hindi aabot sa demandahan kung kaagad na humingi ng dispensa ang nanakit sa kanyang anak at ina nito.

“Ang sa akin lang, mag sorry na lang sila at mangakong hindi na mauulit 'to.”

Hindi direktang binanggit ni Claudine ang pangalan ng nanakit diumano sa kanyang anak, pero sa kanyang mga pahayag, lumalabas na mula sa partido ni Raymart ito.

Sinabi rin ni Claudine na hindi raw niya ipinagkait kailanman si Santino kina Raymart at sa pamilya Santiago.

“Dahil ako, hindi ako naging madamot sa mga anak ko, kahit noong mga panahong na-traumatize sila at ayaw nila makita yung papa nila o pamilya ng papa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really worked hard with the psychologist para magkaroon ng relasyon si Raymart at ang mga anak ko."

Kinalimutan daw ng aktres ang sariling damdamin para sa kabutihan ng anak.

“After everything, isinantabi ko lahat ng sama ng loob ko, kasi karapatan niya [Raymart] 'yan.

“Teka, kung nagawa niyo sa akin, huwag naman sa mga anak ko.

“Wala sigurong magulang na hindi maka-relate na masaktan ang mga anak nila.

“I’m giving them a chance to apologize to Santino, to me, and maybe, maybe, maybe i-drop ko yung mga kaso.”

TORN BETWEEN FAMILIES. Sabi pa ni Claudine, wala raw si Raymart nung nangyari ang insidente.

Pero nakiusap daw ang aktor sa kanya na huwag nang magsampa ng reklamo, na ipinagtaka raw ng aktres.

Saad ni Claudine, “Pero sinabi ko, 'Raymart, this is our son.'

“I understand yung nahati siya or whatever. Hindi, e, hindi talaga. Itutuloy ko talaga.”

Ayon kay Claudine, gumawa pa raw ng kuwento ang nanakit kay Santino.

Napakaliit ni Santino, aniya, dahil 10 years old ito, kumpara raw sa nanakit dito na, ayon kay Claudine, ay "28 years old." 

Saad ng aktres, “Bakit mo gagawin yun? Kung may mali ang anak ko, sa akin mo sabihin.

“Sinabi ko, 'You can correct my son right there and then, but do not lay a hand on my child.

"But that's exactly what they did."

Kasunod nito ay binanggit ni Claudine ang pangalan ng isa rin daw pinsan ni Santino na nasaktan na raw noon ng naturang pinsan nila.

Binaling uli ng aktres ang galit niya kay Raymart.

Kuwento nito, "Hindi niya kayang protektahan yung ako o mga anak ko.

"Nakiusap sa akin si Raymart kagabi.

"Nasa ospital kami, umiyak ako, umiyak siya.

"Sinabi ko lang na, 'There are things in life, Raymart, that are non-negotiable, and yet I am still willing [to negotiate].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Pero ano na, e, hindi na maganda yung mensaheng naipakita sa mga anak mo, na kahit pamilya mo, okay lang saktan ka paulit-ulit?'

"Paulit-ulit na lang?"

Hindi malinaw ang tinutukoy ni Claudine, ngunit diin nito, "This is not the first time.

"This is not the first time, kaya ang haba ng pasensiya ko.

"Kaya baka sabihin ng ibang mga nanay, 'Anong klaseng ina 'to si Claudine at pinayagan pa ulit?'

"Pero teka muna, delikado na, e, nasa ER [emergency room] na kami."

CONFRONTATION. Kuwento pa ni Claudine, habang nag-uusap sila ng taong nanakit diumano kay Santino at ina nito ay nagkataasan sila ng boses.

Pero nanindigan si Claudine.

Buwelta niya, "Anong palabasin nila? Na sinungaling ang anak ko? Ang anak nila, hindi?"

Sa huli, sinabi ni Claudine na, "Physically, sinaktan ang anak ko.

"Unfortunately, wala ako dun, wala rin ang tatay niya. Pero yung yaya, nandun.

"And last night, okay pa si Raymart, nakiisa pa.

"Pero today, nung sinabi ko sa kanya yung result ng medico legal, sinabi niyang ayaw na daw niyang palakihin pa 'to.

"Tinuturuan lang naman daw nila ng leksiyon ang anak ko.

"Dinidisiplina lang, kinu-control lang daw nila si Santino.

"In other words, hindi niya kahit kailan pipiliin ang mga anak niya sa kahit sinong tao."

Dagdag pa ni Claudine, "Pagdating na pagdating sa pagprotekta sa pamilya, it would have been me alone.

"I really feel sorry for my kids dahil yun ang stand ni Raymart, na okay lang disiplinahin ng ibang tao at saktan ng ibang tao ang anak ko basta't kapamilya niya [ang nananakit].

"Ang akin lang, e, kung merong nagawang masama ang anak ko, ang puwede lang magdisiplina, ako lang at si Raymart.

"After nung incident, dapat tumawag sila sa akin at nagsabi sila sa akin na ito yung nangyari.

"I saw this coming already, na akala ko dati, ako lang ang hindi kayang ipagtanggol, unless gaya nung kay Tulfo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Physical yun, e, maraming tao, so kailangan niya akong protektahan."

Ang tinutukoy ni Claudine dito ay ang airport incident noong May 2012 na kinasangkutan nilang mag-asawa at ng veteran broadcaster na si Ramon Tulfo.

Read: Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

Patuloy niya, "Pero ito na yung ikinakatakot ko noon pa, na kapag mga anak niya ang may nanakit, e, hindi siya maasahan.

"At itutuloy ko yung demanda laban sa pamilya niya.

"Ilalaban ko si Santino hanggang sa huling hininga ko."

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay kinukunan na namin ng pahayag si Raymart Santiago kaugnay ng akusasyong ito ni Claudine Barretto.

Bukas ang PEP sa panig nina Raymart at sa iba pang taong may kinalaman sa insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN