Kapuso comedian Boobay rushed to ICU following stroke

IMAGE Instagram

Boobay was rushed to the hospital and it was later found out that he had mild stroke. But his partner assured that the comedian is now in stable condition.


Isinugod sa ospital ang Kapuso comedian na si Boobay, Norman Balbuena sa totoong buhay, matapos siyang ma-stroke.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit o ICU at under observation ang komedyante.

Ito ay base sa update ng partner ni Boobay na si Kent Juan Resquir sa Instagram.

Unang post ni Kent ngayong Lunes ng gabi, November 28, umaayos na ang kundisyon ni Boobay

"Boobay's condition is getting better. He is conscious and vital signs are stable.

"Strength of both upper and lower extremities is not impaired.

“Comprehension is preserved but has trouble speaking fluently.

“Still in Acute Stroke Care for further observation.

“We just hope his condition is not getting worst as he is still under observation.

“Thank you so much for all your prayers.”

Update ????????????

A photo posted by Kent Juan Resquir (@kentjuanresquir) on

Sa sumunod na post ni Kent, ibinahagi niya ang palitan ng biro nina Boobay at Allan K, na dumalaw sa una.

Tinanong daw ni Allan si Boobay kung kilala siya nito.

Sagot daw ni Boobay, “Ako ang iyong tunay na ama,” dahilan upang magtawanan ang lahat.

Nakakapagjoke na po sya ladies and gentlemen...????????????

A photo posted by Kent Juan Resquir (@kentjuanresquir) on

Samantala, nag-post ang direktor na si Louie Ignacio sa Facebook ngayong Lunes, November 28, kung saan humihingi siya ng dasal para kay Boobay.


Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Louie upang kumustahin ang kalagayan ni Boobay.

Sinabi nitong sunud-sunod ang trabaho ngayon ni Boobay kaya marahil ay napagod ito at napuyat.

Isa sa mga proyektong pinagsamahan nina Direk Louise at Boobay ay ang morning show noon ni Marian Rivera, ang Yan Ang Morning.

May ilang sources din ang nakapagsabi sa PEP na malungkot ngayon si Marian dahil sa nangyari sa close friend niyang si Boobay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN