PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago on Claudine Barretto's latest allegations: "Away-bata, pinapalaki."

IMAGE Noel Orsal

Raymart Santiago on Claudine Barretto's allegations: "Nagulat na ako kay Claudine na nagwawala-wala. Away-bata! Pinipigilan yung bata na [hindi] makapanakit dahil namamato na ng mga bagay. Yun, actually yun lang yun. Ngayon, pinalaki niya. Pati sa akin galit dahil hindi ko daw kinakampihan ang anak ko."


Nagkalamat na naman ang tila gumaganda nang relasyon ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ngayon naman ay sangkot ang kanilang bunsong anak na si Santino.

Matatandaang sa Instagram posts ni Claudine kahapon, November 27, ibinahagi niya ang mga larawan ni Santino na may pasa sa kanang braso at ang resulta ng medico-legal exam na isinagawa sa bata.

Ang alegasyon ng aktres ay sinaktan si Santino, 10, ng isang “kamag-anak” ni Raymart.

Read: PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto to file complaints against Raymart Santiago's relative for hurting their son

Sa eksklusibong phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raymart, ngayong Lunes ng gabi, November 28, kinuha namin ang kanyang panig.

“Napakababaw!” paglalarawan ng aktor sa mga sinabi ng aktres.

Dagdag ng 43-year-old actor, “Alam mo, masyado niyang pinapalaki.”

Pagkatapos nito ay inilahad ni Raymart ang nalalaman niya tungkol sa insidente, dahil wala siya nang mangyari ito.

“Birthday ni Randy [Santiago, his oldest brother], kumain sila doon.

“Wala ako doon, nasa Cebu ako.

“Tapos yung anak ko, si Sabina, sumakit ang tiyan, umuwi."

(Si Sabina ang adopted daughter nina Claudine at Raymart.)

“Nagpaiwan daw si Santino dahil naglalaro daw sila ng mga pinsan nila.

“According to Santino… nagpakuwento din ako, naglalaro daw sila ng bola na papel, nagbabatuhan sila.

“Tapos nagbabatu-batuhan, tumama sa ulo, nagkapikunan.”

Patuloy na lahad ng aktor, “Kumuha daw ng kutsilyo [si Santino], daw, ayun yung sinabi naman nung side ng pamilya ko.

“So, pinigilan na huwag mambato kasi kutsilyo na yun, e. Ayun lang.”

AWAY-BATA. Banaag sa tinig ni Raymart ang frustration dahil sa mga kaganapan na aniya’y nagsimula lamang sa “away-bata.”

Saad niya, na parang ayaw na magsalita pero kailangang magpaliwanag, “Nagulat na ako kay Claudine na nagwawala-wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Away-bata!

“Pinipigilan yung bata na [hindi] makapanakit dahil namamato na ng mga bagay.

“Yun, actually yun lang yun.

“Ngayon, pinalaki niya.

“Pati sa akin galit dahil hindi ko daw kinakampihan ang anak ko.

“Sabi ko, ‘Anak ko ‘yan, bakit hindi ko kakampihan? Di ba, away-bata ‘yan, ayusin na lang.’”

Sabi pa ni Raymart tungkol sa estranged wife, “Alam mo naman yun, nagmi-media-media, hindi ko naman kontrol lagi.”

CLAUDINE’S ALLEGATIONS. Ayon sa salaysay ni Claudine sa PEP, sinaktan ng kamag-anak ni Raymart si Santino sa pamamagitan ng pagpilipit ng braso at pagsakal dito.

Wala raw masabi si Raymart dito dahil wala nga raw siya noong mangyari ang insidente. Ngunit, paglilinaw nito, si Claudine ay wala rin naman doon.

Aniya pa, “Kung ganun man, siguro pinipigilan na mambato? I don’t know kung papaano yun.

“Sinakal? Hindi ko rin alam, dahil sasakalin mo ba yung ten years old?

“Alam mo, hindi ko alam dahil wala ako dun, hindi ako makapagsalita.

“Hindi ko puwede sabihin na ganun ang nangyari dahil wala ako dun, e.”

Napag-alaman ng PEP na ang tinutukoy ni Claudine na "kamag-anak" ay ang pamangkin ni Raymart o pinsan ni Santino.

Sabi ng aktor, “Kuwento ni Claudine, kuwento ng anak ko, pero ano lang yun, laro ng magpi-pinsan.

“Kinu-control lang si Santino dahil nambabato.

“Yun lang yun!”

Ayon sa kuwento ni Claudine, parang nagta-tantrums daw si Santino at pilit na sinasaway ng pinsan nito.

Reaksiyon ni Raymart, “Parang ganun, e.

“Alam mo, kuwento ni Claudine yun—e, wala din naman siya dun, e.”

Ngunit yung sinabi ni Claudine na naroon ang yaya ni Santino, mariing pinabulaanan ni Raymart.

“Wala ang yaya dun. Wala rin, wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin lang, mag-usap-usap lang magpinsan. Magpinsan ‘yan, e.

“Ano ba ‘yan, bakit naman magsasakitan ang magpinsan?”

Biglang baling ng aktor sa PEP, “Alam mo, pinalalaki niyo, walang dapat palakihin dahil inawat lang yung anak ko.

”Kilala niyo naman si Claudine."

POSSIBLE COURT CASES. Sa ngayon ay nananatiling puro bintang lang ang mga alegasyon ni Claudine, paglilinaw ni Raymart, dahil pareho silang wala nang mangyari ang insidente.

Ngunit tila wala na sa kontrol ni Raymart ang mga pangyayari dahil nagpaplano na si Claudine maghain ng mga reklamo sa susunod na linggo.

At ang gustong makasuhan ni Claudine ay ang pamangkin ni Raymart na nanakit diumano kay Santino at pati na ang ina nitong nakasagutan ng aktres.

Tugon dito ni Raymart, “Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag-file ng demanda. Hindi ko alam.”

Gusto raw sana ni Raymart ay ayusin ang lahat sa loob ng pamilya at hindi na nagtatawag ng media.

Mensahe pa niya, “'Yang mga ganyan, it’s like family. Pamilya yun na nagkapikunan.

“Tapos pinigil, nagkapigilan. Ibig sabihin, ganun lang yun.

“Away-magpinsan, na [parang] magkapatid na nag-aaway din.

“Sana huwag nang palakihin dahil pati social media nakikialam.

“Bakit kailangan pang ikuwento ang mga nangyari sa pamilya namin?”

Muling iginiit ni Raymart na isang maliit na hindi pagkakaintidihan lamang sa loob ng pamilya ang nangyari at hindi na dapat pang palakihin.

Aniya, “Pinigilan lang. Ini-stop siya na huwag na magbato.

“Kaya nasabi ni Claudine na kinakampihan ko yung pamangkin ko.

“Ang sa akin, yung totoo lang. Huwag na lang dagdagan.

“Mababaw lang ‘to, e. Bakit idadamay pa ang mga bata?”

Sa huli, sinabi ni Raymart, “Palalakihin na naman ni Claudine ‘yan. Alam mo naman yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN