Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

IMAGE Facebook photo of Ping Medina (left)/Facebook photo of Baron Geisler (right)

Naglabas ng kanyang sama ng loob si Ping Medina (kaliwa) kay Baron Geisler (kanan), pagkatapos ihian ni Baron si Ping sa kanilang eksena, gayong walang ganoon sa script.


Isang panibagong insidente na naman ang kinsangkutan ng kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler.

Sa pagkakataong ito, ang nakabangga niya ay ang co-star niya sa isang indie film na si Ping Medina.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, inilahad ni Ping ang sinabi niyang pambabastos sa kanya ni Baron.

Ayon kay Ping, inihian siya ni Baron habang ginagawa ang isang eksena ng pelikula nila, kahit hindi naman ito dapat kasama sa script.

Lahad ng anak ng batikang aktor na si Pen Medina: “Sabi mo, five days ka na sober.

“Dahil nasa ICU ang nanay mo at ang request niya ay wag maamoy ang hininga mo na amoy alak.

“At pagdating ng shooting natin bukas, nag-promise ka kay direk Arlyn [dela Cruz], hindi ka iinom sa set.

“Naisip ko, wow, change is coming.

“First time ko makausap si Baron nang hindi lasing.

“Kahit mabagal magsalita, naisip ko, kung ano man tinitira nito mas okay na 'to, kasi kalmado lang siya at may sense kausap.

“Imbis na alak, turmeric tea ang hawak mo.”

Limang oras pa raw sila nakapag-usap ni Baron noong araw na iyon.

Ngunit base sa kuwento ni Ping, nagbago si Baron matapos nitong utusan ang kasamahan niyang bumili ng makakain kinagabihan.

Lahad ni Ping, “Sabi mo matutulog ka na, so naiwan muna ako sa balcony.

“So, naiwan muna ako dun at nag laro ng app games para antukin.

“Pero 10 minutes later bumalik ka, sabi mo di ka makatulog.

“Umutang ka pa ng 200 sa 'kin, sabi mo pambili ng pagkain kasi gutom ka na.

“Sino bibili e 4am na? Sabi mo si Nina na.

“Yung sabi mong family friend/companion/chorva/whatever mo. Kawawa pa siya kasi nakahiga na ang tao at parang ginising mo pa.

“Pag balik ni Nina, nakasimangot siya. Dahil ang inabot niya sayo? Apat na beer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag sorry ka pa sakin kasi you feel bad na nagsinungaling ka sakin. Sabi ko, okay lang uminom dito, wag lang sa set.”

Sa pagkakataong ito, inalok pa raw siya ni Baron ng beer, na kanyang tinanggap bago magpaalam para matulog.

THE INCIDENT. Kinabukasan, naganap ang isa na namang insidenteng nagpapakita ng epekto ng alak kay Baron.

Una raw itong napansin ni Ping nang yayain siya ni Baron na mag-rehearse para sa kanilang eksena.

Kuwento niya, “Nadatnan kita [Baron] sa set na medyo mabagal pa rin ang salita.

“At yun nga: may hawak kang beer. O akala ko ba hindi ka iinom?

“Iniwasan na muna kita. Pero kinulit mo ako na mag lines, sige tara. Mahahaba ang lines ko. Kailangan rehearse.

“Pero habang nagrerehearse tayo ay unti unti nabuo ang irita ko sayo. Namumula ka na.

“Kilalang kilala pag lasing ka na. Hindi mo ma memorize ang kapiranggot mong lines.

“Kaya puro adlib b*llsh*t ang ginawa mo na mali mali, tapos sa haba ng lines ko e naiirita nako dahil distracting yung mga ginagawa mo.

“After three tries, sabi ko okay nako.

“Sabi mo isa pa. Sabi ko, let's not overthink the scene.

“Nakita ko sa mukha mo na na-offend ka sa pagtanggi ko.”

Nang gawin na ang isa sa mga eksena nilang dalawa, sabi ni Ping, “Natural, nilamon kita. Dahil magaling ako na artista.

“Magaling ka rin naman, pero lasing ka.”

Tila ito ang naging dahilan ng pagkagalit ni Baron kay Ping.

Ani Ping, “Pagkatapos nun ay nalaman ko sa staff na nagtatanong ka pala sa kanila kung 'si Ping ba ang bida dito?'

“Obviously, di ka nagbasa ng script. Pero Direk and I tried to pacify you.

“Tinawag ka pa ni Direk na bida contrabida. At ako sinakyan ko na lang. Dahil lasing ka na at gusto ko na lang tapusin ang gabi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay muling nagkaeksena ang dalawa, kung saan ang character ni Ping na isang informant ay nakabalot ng packaging tape at ilalagay sa isang cargo crate.

Dagdag na paglalarawan niya, “Babalutin ako ng packaging tape hanggang sa mag-suffocate ako, sa style ng recent EJK killings.”

(Ang EJK ay acronym ng Extra Judicial Killings, na siyang tawag sa mga pagpaslang ng mga may awtoridad sa isang kriminal, o pinaghihinalaang kriminal, sa pamamaraang hindi legal.)

Samantala, bilang bahagi ng eksenang ito, aarte si Baron bilang pulis na kakausapin ni Ping para magmakaawa ang huli.

“Ang gagawin mo lang dapat ito: papasok ka sa huli ng eksena, tatanggalin ang tape sa bibig ko, to silently listen to me beg for my life, tapos aalis ka na para iwanan ako sa 3 goons mo.

“Simple lang, di ba?”

Ngunit hindi lang ito ang nangyari. Ang mga sumunod na eksena ay ikinagulat at ikinagalit ni Ping.

Lahad niya, “Right before mag-take dun may narinig akong sinabi ka: 'May gagawin ako sa 'yo Ping ah. Sana wag ka magalit.'

“Naisip ko, tang*na mukhang duduraan ako ni Baron sa mukha, kasi nasa kanya ang closeup.

“E naka tape na bibig ko, paano?”

Pagkaharap sa kanya ni Baron, binuksan nito ang kanyang zipper at ginawa ang isang di inaasahan: inihian ni Baron si Ping.

“Napakabilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy.

“Unti unti ko na realize na put**gina, ginagawa niya talaga to.

“Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape.

“One take lang dapat ang eksena: so sinubukan ko mag stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character.

“Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat nagmamakaawa ako [sa] eksena, pero ang nasasabi ko: p*t*ng*na ka! P*t*ng*na ka! P*t*ng*na ka!”

Galit na galit daw si Ping sa pangyayari, subalit hindi niya naambaan si Baron. Dali-dali na kasing pinalabas si Baron sa cargo crate ng kanilang direktor.

Kaya naman naibunton ni Ping ang galit niya sa pagsuntok sa bakal na pader, na naging sanhi ng bali sa kanyang kanang kamay.

Sinubukan din niyang kumprontahin si Baron, ngunit, ani Ping, “Nakita ko na hindi siya lalaban.

“Wala akong interes na bumugbog sa walang kalaban laban.”

THINK TWICE BEFORE GETTING BARON. Sa huling bahagi ng kanyang mahabang Facebook post, binalaan ni Ping ang mga tao sa industriya tungkol sa pag-uugali ni Baron.

Aniya, “Ito ba ang klase ng tao na gusto niyo makatrabaho?

“Binigyan natin ng benefit of the doubt.

"Binigyan natin ng second, third, fourth, fifth... 1 millionth chance."

Humingi rin si Ping ng paumanhin sa ilang kilalang personalidad sa showbiz dahil sa pagrerekomenda niya kay Baron para mabigyan ng trabaho.

Sabi ni Ping, “Dapat ang gagawin natin from now on, tanungin muna, number one:

"KASAMA BA SI BARON GEISLER DITO???

“Kay Madame Cory Vidanes na sobrang bait para sa isang top boss to the point na ako nahihiya na kinausap mo ako that one time sa DTE xmas party... Inencourage ko si Baron na kausapin ka pero PLEASE LANG MA'M

“Kay sir Jake Tordecillas at mga tiga GMA sorry binigyan ko ang tarantadong to ng benefit of the doubt over that [Yasmien] Kurdi incident pero PLEASE LANG SIR

“Sa mga indie filmmakers na binabasura ng gagong to ang mga set niyo dahil ang tingin niya ay mas mababa ang trabaho niyo dahil maliit ang TF at hindi ito 'bread trip' in his own words PLEASE LANG PO.”

At bilang mensahe sa katrabahong nambastos sa kanya, ito ang sabi ni Ping: “Baron, t*ngina mo. Hindi ka isang ganap na 'actor.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil ang tunay na actor ay may malasakit sa trabaho.

“Hindi yung pumupunta ka sa set na lasing and god knows kung ano pa tinira ng putanginang yan.

“Baron, t*ngina mo. Hindi ka tao. Mas mababa ka pa sa hayop.

“Kasi ang hayop hindi iniihian ang kapwa na nangingisi-ngisi pa ng patago. Nag enjoy ka sa ginawa mo!”

Nagtamo si Ping ng “boxer's injury” dahil sa pagsuntok sa bakal na pader.

Mabuti na lamang daw at hindi na kinailangan ng anumang operasyon para rito.

AXED FROM THE FILM. Dahil sa nangyari, agad na ipinatanggal ni Direk Arlyn si Baron sa proyektong kanyang ginagawa.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng direktor, “What you did on the set, for the film BUBOG is unacceptable and cannot be justified by any claim of being in character because I repeatedly explained to you and was clearly written on the script where your character is coming from and how I wanted it to be tackled, stressing that the idea is, power is felt, not expressed. To show true might, in subdued silence and suppressed emotions.

“Ping Medina does not deserve what you did. No actor deserves that. No person deserves that.

“You claim, you respect him and me? ....Define to me respect after what you did.”

Dagdag pa niya, “You wanted four days of shoot. No more 2nd, 3rd or 4th day with you.

“I have killed your character and the story and script will stand without you.

“You told your girlfriend Nina that you have never felt a happy set.

“You found a happy set—we all gave you a chance.

“Now you lost one happy group to be with.”

BARON REACTS. “Inspect, know the truth.”

Tila ito naman ang sagot ni Baron sa panibagong akusasyon tungkol sa kanya.

Sabi pa niya sa kanyang maiksing Facebook post: “Hindi ako naapektohan sa paninira. Picture ni ping with da pakyu sign??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So low. Lalo na sa mga naniniwala agad.”

Makailang ulit nang nasangkot sa kontrobersiya si Baron dahil sa kanyang problema sa alak.
Ilan sa mga artistang nagreklamo o nakabangga niya ay sina Cherry Pie Picache, Yasmien Kurdi, at Kiko Matos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN