Gabby Concepcion recalls pleasant encounter with ex-wife Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepcion delights in recalling his chance encounter with ex-wife Sharon Cuneta when he broached to her the idea of co-producing their reunion movie. "Niyakap ko na agad. Sabi ko, 'Ano, kailan tayo magsu-shooting? E, mas maganda rin sana kung tayo na ang mag-produce… gawin na lang natin. Gusto rin ng mga fans, ang daming nagre-request.'"


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento si Gabby Concepcion ng masayang pagkikita nila ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta sa Ultra Mega Expo sa PICC nitong Oktubre.

Naibunyag pa ni Gabby na nag-offer siyang silang dalawa na lang ni Sharon ang mag-produce ng reunion movie nila.

Lahad niya, “Ang nangyari was ako yung second to the last performer.

“Siya yung last performer, so nagulat ako, nakita ko siya dun sa backstage.

“Nilapitan ko na siya, niyakap ko na agad.”

Niyakap din ba siya ni Sharon?

“Oo naman. Sabi ko, ‘Ano, kailan tayo magsu-shooting?’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e, hindi ko na alam kung anong nangyayari?’

“Sabi ko, ‘Naku, sayang, hinihintay ko pa naman, matagal na nating hinihintay 'yan!’”

May chance pa kayang matuloy ang reunion movie nila ng Megastar?

Sagot ni Gabby, “Hindi ko alam, e, kung ano ang mga plano ng mga producers.

“Sabi ko, ‘E, mas maganda rin sana kung tayo na ang mag-produce!’

“Pero siyempre, may conflict yun. So, sabi ko, ‘Di bale na lang, basta may mag-produce.

“‘Basta gawin na lang natin, gusto rin ng mga fans, ang daming nagre-request.’

“Ako, I’ll never say no to that project, kasi marami na ring naghihintay nun, maraming fans ang naghihintay.

“Just to see them happy, a lot of our fans are our age, nasa mga thirty-five, forty,” pagbibiro pa ni Gabby tungkol sa edad niya.

Sa bandang huli ay padaplis na nag-open up pa ang aktor ng kanyang saloobin sa pagkikita nilang muli ng dating reel and real partner.

Aniya, “Okay naman, pero siyempre may kanya-kanya na kaming buhay.

“Have things been a little different? Ako rin naman iniisip ko din yun ever since.”

Ikinasal sina Gabby at Sharon noong 1984, ngunit nagkahiwalay agad sila noong 1987.

Mayroon silang isang anak, si KC Concepcion.

Nang maghiwalay sina Gabby at Sharon, nagkaroon sila ng kani-kanilang relasyon at nag-asawa muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gabby ay kasal kay Genevieve Yatco, kung saan mayroon siyang dalawang anak na babae.

Maliban pa rito ang mga anak niya kina Grace Ibuna (Garrie Concepcion) at Jenny Syquia (Cloie Syquia-Skarne).

Si Sharon naman ay napangasawa si Senator Kiko Pangilinan, kung saan mayroon siyang dalawang anak na babae (Frankie at Miel) at isang adopted son (Miguel).

FAMILY MAN. Noong kasagsagan ni Gabby bilang matinee idol, nakilala rin siyang lapitin ng mga babae.

Sa kanyang edad ngayon na 52, hindi nawala ang kakisigan niya.

Bagay nga ang role niya bilang isang piloto na nangaliwa sa bagong afternoon drama series ng GMA na Ika-6 Na Utos.

Ngayong pamilyado at makikitang devoted family man siya, paano niya naiiwasan ang tusko sa showbiz?

Tugon ni Gabby, “E, sa kahit na anong environment, maging doktor ka sa hospital, maging lawyer ka sa opisina, maging artista ka, sa opisina, lahat, maski artista, nasa sa iyo na yun kung papaano mo iiwasan ang tukso.

“E, nung kabataan ko, siyempre mahina ang aking will power, ‘ika nga.

“Pero hindi na ngayon, natuto na. I guess it comes with time, age."

Biro niya muli, “Ngayon na thirty-five na ako, medyo ano na ako, natutu-tuto na.

“Of course, you get attracted to beautiful things… clothes, material things.

“Pero it is part of our job, to make things look good.

“Yung trabaho mo, your craft, lahat 'yan.

“Pero mas marunong ka na ngayon, hindi ka na nagpapadala, nakokontrol mo na.

“Hindi mo na iniisip, kasi may priority ka na, may pamilya ka na and all that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN