Yam Concepcion on environmentalist boyfriend: "He is a positive influence in my life."

IMAGE Yam Concepcion Instagram

Yam Concepcion appears blissfully happy in her current relationship. How does she measure happiness? "Marami tayong pag-uusapan sa isang word na happiness. Pero matatagalan tayo, baka abutin tayo bukas," she intones.


Kinilig si Yam Concepcion nang banggitin sa interview na mukhang foreigner at guwapo ang boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng.

Sambit ng Kapamilya actress, “Guwapo, cute, 'no? Sobra! Saka matangkad siya, yun ang weakness ko, e.”

Napag-uusapan na ba nila ni Miguel ang kasal?

Sagot ni Yam, “Nami-mention, pero hindi naman talaga napag-uusapan clearly as to what mangyayari sa future.

“Kasi I don’t want promises, gusto ko ginagawa na lang.

“I don’t know if he means getting married… pertaining to the future siya, e, to our well-being as a couple in the near future.”

Base raw sa pagkakakilala ni Yam sa boyfriend, magiging mabuting asawa si Miguel.

Aniya, “Very responsible person, napakabait, parang walang bad bones.

“He is a positive influence in my life, nakakahawa, yun ang maganda.

“Yung positive energy, aura, nakukuha mo rin; that’s what I love about him.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yam sa pressscon ng bagong daytime drama series ng ABS CBN na Langit Lupa last week.

SIMPLE WANTS, NEEDS. Nagtatrabaho si Miguel sa isang environmental NGO company.

Aware daw si Yam na walang pera sa ganitong klase ng trabaho, “But that’s his passion, e.

“Sustainability… saving the environment, so may social impact siya.

“Of course there are ways to earn money, other investments.”

Paniwala pa niya, “Siyempre, mas maganda kung sabay ninyong pinaghirapan.

“Kumbaga, nakita mo sa baba, paakyat… it’s better that way, mas matatag yung foundation.

“Ang personality ko, simple lang, hindi yung maluho.

“Siguro travel lang, food; I don’t know, happiness is malalim na word.

“Marami tayong pag-uusapan sa isang word na happiness.

“Pero matatagalan tayo, baka abutin tayo bukas.”

STILL SEXY. Pagdating sa kanyang image, nilinaw ni Yam na patuloy pa rin ang pagpapa-sexy niya sa projects.

Nagkaroon lang ng alinlangan kung magpapaka-wholesome na si Yam dahil sa mother role niya sa Langit Lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabu niya, “Hindi naman porke’t nag-accept ako ng mother role, hindi na ako puwedeng magpa-sexy. I’m still open to sexy roles. 

“Tinanggap ko because challenge siya… a different take on a character.

“Yung first-time mom na hindi alam ang gagawin dahil I have a kid and I have so much stuff to do.

“So, it will help with my growth as an actress also.

“Parang ma-try ko rin yung iba-ibang character, iba-ibang role.”

Dahil ang role niya sa Langit Lupa ay isang young single mom, sumagi raw sa isip ni Yam na magka-baby kung puwede nga lang.

“Gusto ko, sabi nga nila, bago ka raw mag-thirty, kailangang mag-baby na raw.

“Twenty-eight na ako, mga two years, but kasal muna. I want to do it the right way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN