Sunshine Dizon allows estranged husband Timothy Tan to enter her house

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Dizon rallies amidst legal trouble with estranged husband Timothy Tan: "Life is short, hindi ko nga ikinamatay 'yan, baka ikamatay ko naman ang stress at cancer… huwag na! Happy na lang."


Nasubukan ang katatagan ni Sunshine Dizon sa pagharap niya sa isang masakit na karanasan sa kanyang buhay.

Halos hindi mahahalata sa Kapuso actress na may pinagdadaanan siya ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Pero inamin ni Sunshine na paminsan-minsan ay nararamdaman niya ang bigat ng pagkawasak ng kanyang pamilya.

Pagbabahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I still have my days.

"I just choose lang to be positive, ayoko nang mag-dwell sa masakit.

“Life is short, hindi ko nga ikinamatay ‘yan, baka ikamatay ko naman ang stress at cancer… huwag na! Happy na lang.”

Kumusta na ba ang mga kasong inihain niya laban kay Timothy at sa kalaguyo diumano nitong si Clarisma Sison?

Ayon kay Sunshine, “Tuloy pa rin po ang kaso, nandun pa rin siya sa fiscal level.

“Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari diyan, I really don’t know.

“Between me and Tim, we have failed our marriage already, the least that we could do is be good parents to our children.

“So, that’s what we are trying to do.

"But with regards to the chaos and other things, we don’t talk about that.

“We only talk about what is needed… ano ang kailangan ng mga anak ko, kukunin ba niya, ihahatid-sundo niya, ganun ka-basic."

Silang dalawa mismo ang nag-uusap?

“Oo, over the phone,” pagkumpirma ng aktres.

“For example, may check-up ang anak ko, ire-relay niya sa akin ang sinabi.

“Ganun lang, very plain. Kumbaga, kaswal, very civil.”

ADJUSTMENTS. Nakapag-adjust na ba ang dalawang anak nila ni Timothy na sina Doreen at Anton sa paghihiwalay nilang mag-asawa?

Pahayag ni Sunshine, “I don’t want to go into details.

"Kumbaga, it’s sad to say na nasanay na ang mga anak ko.

“One of the best lessons din, it’s a culture here in the Philippines na you try to survive your marriage for the sake of the kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You don’t realize na you’re actually putting them in a situation na mas mahirap at mas masakit din for them.

“If you feel that the relationship is toxic and unhealthy, huwag mong isipin yung mga bata.

“Isipin mo na lang if they’ll be able to adjust.”

Nakakapasok ba si Timothy hanggang sa loob ng condo na tinitirhan ni Sunshine at ng kanyang mga anak?

“Oo, sinusundo niya ang mga kids, hinahatid-sundo niya.

“Nagsabi na rin naman ako sa guard.

"I want to give my children a sense of normalcy.

“Ayokong maging bastos… well, technically, hindi pa naman talaga kami hiwalay.

“But since he’s not around most of the time, I want my children to feel na no matter what happens, may pamilya pa rin sila.

“Yun ang pinaka importante and, hopefully, yun din ang ma-achieve ko in the end, kung anuman ‘yan.”

A LITTLE SAD CHRISTMAS. Paano na ang Pasko niya ngayon pagkatapos ng ilang taong buo ang kanilang pamilya?

Sagot ni Sunshine, “Okey naman, it’s just a little sad kasi hindi kami kumpleto.”

Paano ba ang mga nakaraang Pasko nila?

“Sa Dizon family kami, then sa family ni Tim.

"I really don’t know what will happen this year.

“Ayoko pa siyang isipin, bahala na si Batman!” natawang sabi na lang niya.

Okey pa rin naman daw ang relasyon niya sa pamilya ng asawa.

Kuwento niya, “Kami ng father-in-law ko, nagkikita pa kami.

“Hinihiram niya ang mga bata, nakakauwi pa ako ng Guagua.”

Nagkikita sila ni Tim kapag nasa Guagua, Pampanga siya?

“Ay, hindi po,” mabilis niyang tanggi. “I don’t know where he lives, I don’t know po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN