Jason Abalos gives reason why he still cannot marry girlfriend Vicky Rushton

IMAGE Jason Abalos Instagram

Jason Abalos does not waste his free time from acting. He relates, "Blessing in disguise na wala akong ginawa para nagkaroon ako ng panahong makapag-isip. Nag-invest ako sa mga business, Naging productive naman ako sa ibang ginagawa."


Parehas daw excited si Jason Abalos at ang kasintahan niyang si Vickie Rushton kapag napag-uusapan ang kasal.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Kasi si Vickie, sobrang hilig sa bata, yung usapan hindi sa kasal, e.

“Yung parang gusto kong panganay, babae... may ganun na, may mga plano na.

“Kaya lang, sa sitwasyon namin, medyo hindi pa puwedeng puwersahin.

“Ako, two, three, four years pa, or baka next year puwede na pala lahat, di ba?

“Gusto ko lang siyang bigyan ng panahon… mapi-feel mo naman kung gusto ng babae o hindi.

“Pero ako, anytime puwede na, e, parang naghihintay na lang ako.

“Kumbaga, nakahanda na yung, ‘Uy, okey mag-propose dito ah!’"

Patuloy ni Jason, “Ang iniisip ko lang kasi kung ano ang magiging thinking at feeling ng family niya.

“Kasi medyo malaki pa yung obligasyon niya sa pamilya niya.

“Nakikita ko siya yung magdadala ng responsibilidad.

“Binibigyan ko siya ng panahon kung anong career pa ang gusto niyang gawin.

“Kung pag-asawa ba o may ibang career na kailangang single muna.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa pinakahuling presscon ng ABS-CBN daytime series na Langit at Lupa.

SECURITY. Masaya raw si Jason sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay, mapa-karera man o personal life.

Kahit nong 2015 pa ang huling serye niya na Two Wives, hindi raw siya nainip.

Nagkaroon daw siya ng oras para asikasuhin ang ilang bagay para sa kanyang mas establisadong kinabukasan, tulad ng sinimulan niyang negosyo.

Lahad niya, “Nung wala akong show, may mga inasikaso akong restaurant, tapos nangampanya ako.

“Then, nung kakasimula pa lang nitong taon, nagbukas ako ng salon.

“Parang nalibang naman ako, feeling ko naging productive naman ako sa ibang ginagawa.

“Yung mga kinita ko ng mga past years, ipinundar ko naman sa binuksan kong business.

“Puwedeng sabihing blessing in disguise na wala akong ginawa para nagkaroon ako ng panahong makapag-isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pang-long term na, pag walang trabaho at napahinga, naisip ko paano ako mabubuhay?

“So, nag-invest ako sa mga business.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN