Former MMDA Chairman Francis Tolentino dismayed by MMFF 2016 official entries

IMAGE Noel Orsal/Mark Atienza

Former MMDA Chairman Francis Tolentino (not in photo) on new mechanics of MMFF: "Sana po pinagbigyan naman po ng kahit tatlo o apat na commercial films dahil ito po ang inaasahan ng mga bata, Pasko naman po." This year's MMFF will not include big-budgeted movies from Vic Sotto and Vice Ganda.


Nagpahayag ng pagkadismaya si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa walong pelikulang pinili ng Screening Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Bilang MMDA chairman, si Tolentino rin ang tumayong chairman ng MMFF.

Nalungkot daw siya nang nalamang pawang indie films ang napiling makapasok sa Magic 8 ng MMFF 2016.

“Sana po pinagbigyan naman po ng kahit tatlo o apat na commercial films dahil ito po ang inaasahan ng mga bata. Pasko naman po.

“Sana pinagbigyan naman yung mga pelikula ng AlDub, pinagbigyan po nung mga kilalang artista.

"Ito po yun dinudumog, e,” pahayag ni Tolentino sa panayam sa kanya ng DZRH kamakailan.

Kabilang sa commercial movies na hindi nakapasok sa MMFF 2016 ay ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto; The Super Parental Guardians nina Coco Martin at Vice Ganda; at ang Mano Po 7 na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Janella Salvador, Jean Garcia, at Richard Yap.

Patuloy ni Tolentino, “Ayaw naman po natin siraan yung mga indie. Tinulungan naman po natin sila.

“May New Wave section po akong ginawa nun.

"Huwag naman po lahatin dahil ang pinupuntahan po ng mga manonood ay yung talagang paborito nilang artista.”

Umaasa raw siyang hindi maapektuhan ang box-office results ng MMFF ngayong taon.

Pero sana raw sa susunod na taon, ikunsidera rin ng MMFF Execom ang mainstream films na pinagbibidahan ng mga paboritong artista ng mga manonood.

NEW CRITERIA. Kaugnay nito, nagbigay naman ng pahayag ang miyembro ng Screening Committee ng MMFF 2016 na si Mae Paner, na mas kilala bilang si Juana Change.

Ipinaliwanag niyang naiba ang patakaran ngayon sa pagpili ng MMFF official entries.

Nakabase na raw sa finished product at hindi sa script na dating pinagpilian ng mga nakaraang MMFF.

Saad niya, “Ngayon, based on the 27 films na napanood namin, ang sabi ng Executive Committee, ito ang pamantayan ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan 40 percent diyan mahusay na istorya.

"Kasi kung mahusay na istorya, nasa 40 percent niyan, kailangan technically excellent.

"Kailangan maganda ang pagkadirek, ang pag-arte, ang pag-ilaw, ang pag-edit, etcetera, etcetera.

“Sinabi pa nila, kailangan may global appeal.

"Ibig sabihin, hindi lamang dito magugustuhan.

"Kahit saang nasyon pa mapapanood, tatanggapin.

“Sinabi rin na sensitive sa kultura na merong Filipino sensitivity, di ba?

“So, iyon ang sinabi sa amin ng Execom. Susunod lang naman kami, e.

"Sinabi sa aming ito ang pamantayan.

“Ni-rate namin ang 27 na pelikula, ayon sa pamantayang ibinigay sa amin.

“Ngayon, sa 27, nakakatuwa, walo ang nakapasa.

"Ngayon, siyempre kahit sa anong kumpetisyon, merong papasok, merong hindi papasok.

“Hindi ko naman sasabihin na walo lang ang maganda, pero walo lang ang kaya namin ipasok, at mas mataas lang talaga ang grado nila sa iba.”

Dagdag pa ni Mae, “Sana huwag muna nating sabihing bakit ganun, bakit ganyan. Kasi hindi pa naman nila nakikita.

“Sana magustuhan naman nila, kasi ang walong mga magagandang pelikulang ito ay deserved ng buong bayang Pilipinas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN