Ara Mina bats for brother Macky Mathay and friend Sunshine Cruz as a couple

IMAGE Noel Orsal

About her own love life, Ara Mina says she's happy being single. "I'm just being careful. Okey ako, yung baby ko naman napupunan yung emptiness."


Ayaw kumpirmahin ni Ara Mina kung anuman ang namamagitan sa kanyang kapatid na si Macky Mathay at sa kaibigan niyang si Sunshine Cruz.

Pero ikinatutuwa raw niyang parehong masaya ang dalawang taong malapit sa kanya.

Pahayag ni Ara, "Unexpected yun.

"Nakakatuwa kasi close kami [ni Sunshine] and, at the same time, happy siya.

"At yung nagpapa-happy sa kanya, e, brother ko… nakakatuwa lang."

Dugtong pa ng sexy actress, "Lahat kami, hindi yun inaasahan.

"Nagkakasama kami ng brother ko, happy siya at ipagtatanggol daw niya si Sunshine, ayun. Very vocal siya.

"Hiwalay naman na yung brother ko," pagtukoy ni Ara kay Macky at sa estranged wife nitong si Camille Fariñas, anak ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa sa grand launch ng French-based watches na Rene Mouris, na ginanap sa City of Dreams, noong November 27.

TRUE INTENTION. Naniniwala raw si Ara na totoo ang intensiyon ni Macky kay Sunshine.

Aniya, "I really know my brother, he's very faithful.

"It so happened na failed yung marriage niya, pero talagang isa siyang one-woman man."

Si Macky ay kapatid ni Ara sa kanilang ama na si Chuck Mathay, pero magkaiba ang kanilang mga ina.

Ano naman ang napag-uusapan nila ni Sunshine kapag silang dalawa lang ang magkasama?


Ayon kay Ara, "Sobrang bait nga raw ng brother ko, wala raw siyang masabi.

"Sabi ko naman, 'Well, nasa lahi namin.'"

Kung sakaling magkaproblema ang dalawa, si Ara ba ang tatayong tagaayos nito?

"Willing naman ako,” sabi ni Ara, pero giit niya, "I don't think na magkakatampuhan sila, pareho silang mabait.”

Sabi pa ni Ara, "Sa ano naman, hindi nawawala yun, pero di pa naman tayo dumarating dun."

STILL SINGLE. Sa puntong ito, kumusta naman siya?

Mabilis na sagot ni Ara, "Heto, wala pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m just... hindi naman yung choosy, I'm just being careful.

"I'm not getting any younger, ayaw ko namang mag-boyfriend, pagkatapos ng ilang months, iba naman.

“Tapos na ako dun, may anak na ako, huwag na akong mag-feeling dalaga."

Sabi pa ng 37-year-old single mom, "Okey ako, happy naman.

"Yung baby ko naman, napupunan yung emptiness."

Pero aniya, "Wag naman forever, ayoko.

"Gusto ko pa nga ng baby boy, kaya lang problem, wala pang tatay!"

Ayaw ba niya sa ama ng kanyang anak na si Amanda Gabrielle, kay Mayor Patrick Meneses?

Tugon ni Ara, "Binibiro ko nga, donor na lang, kahit hindi na ako mag-asawa siguro, di ba?”

At humahalakhak niyang nasabi na baka “breeder” ang kanyang kahihinatnan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN