Maine Mendoza gets Kris Aquino teary-eyed during their "first meeting"

IMAGE Instagram (@krisaquino)

What did Maine Mendoza tell Kris Aquino that made the Queen Of All Media teary-eyed?


Halos mapaiyak si Kris Aquino sa "first meeting" nila ni Maine Mendoza. Mayroon daw kasing sinabi si Maine sa kanya.

Ito ang ibinahagi ni Kris sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes ng gabi, December 2.

Nangyari ang pagtatagpo ng dalawang big stars noong Miyerkules, November 30, para sa kauna-unahang Facebook Live ng Queen of All Media.

Pahayag ni Kris sa kanyang post: “In our first meeting, Maine made me teary-eyed. Pinataba niya ang puso ko. Thank you, Maine. #KrisMeetsMaine #ThisIsREAL

Ipinaliwanag ni Kris kung bakit niya ito naramdaman sa kalakip na short video ng kanyang post.

Binulungan daw kasi siya ni Maine at nagpasalamat ito dahil hindi raw magiging posible ang lahat ng nangyayari ngayon sa Kapuso Phenomenal Star kung hindi dahil sa Queen of All Media.

Sabi ni Kris, “Her humility was heartfelt.

"She whispered to me, ‘Miss Kris, gusto ko lang po mag-thank you.’

"And I was clueless so I asked her why.

“She said, 'Kung wala po kayo, ang lahat ng ito ay hindi mangyayari.'

“Of course, I didn’t want to make it obvious but her thank you made me teary-eyed.

"OMG. This isn’t false humility but nakakataba ng puso definitely," mensahe ni Kris.

Unang nakilala si Maine dahil sa pagda-Dubsmash niya sa mga dialogue ni Kris sa mga programa at pelikula nito.

Ang pagtatagpong iyon nina Kris at Maine ay nagsilbi ring movie date dahil nanood sila ng first-day showing ng Enteng Kabisote 10 and The Abangers.

Sa dulo ng video, may mensahe pa si Kris kay Maine:

“Maine, Thank you for the wonderful movie date, for invigorating my self-confidence, and for inspiring me to do so much more for all future spoofers and dubsmashers. Love Kris.”

Samantala, nagkapalitan din ng mensahe ang dalawa sa ginawang Instagram post ni Kris kaninang hapon.

Nagpasalamat muli si Kris kay Maine at sumagot naman ang Eat Bulaga! star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tila binigyan pa ni Kris ng lipsticks ni Maine, dahil mahilig dito ang kalahati ng AlDub loveteam.


FIRST ENCOUNTER. Bagamat ito ang naaalala ni Kris na unang pagkikita nila ni Maine, ang katotohanan ay nagkatagpo na ang landas nila sa isang event ng LBC noong May 2015.

Si Kris ang endorser ng nasabing service provider habang si Maine naman ang nagsilbing host ng nasabing event.

Isa pa lamang social-media sensation noon si Maine dahil sa kanyang Dubsmash videos, na karamihan ay dina-dub niya ang boses ni Kris.

Ilang linggo bago ang hosting gig na iyon ni Maine ay lumabas na siya sa Eat Bulaga! bilang Yaya Dub, na naging daan upang mabuhay ang love team nila ni Alden Richards na AlDub.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN