Paolo Ballesteros says his daughter Keira is used to his cross-dressing lifestyle

IMAGE Paolo Ballesteros's Instagram

TV host-model and comedian Paolo Ballesteros dotes on his daughter Keira (inset) in ways most fathers will find unthinkable. He relates, "Nakikita na niya akong nagmi-makeup, yung high-heels ko. Yung mga laruan niya sa bahay mga wigs ko… Pag may event sa school ako yung nagmi-makeup sa kanya."

 


Hindi raw problema sa nag-iisang anak ni Paolo Ballesteros na si Keira ang pagiging crossdresser ng kanyang ama sa trabaho nito bilang isang aktor.

Nagpadala pa nga ng video greet sa Instagram ang bata na kinu-congratulate ang ama sa pagkapanalo nito bilang Best Actor sa Tokyo International Film Festival nitong Oktubre para sa Die Beautiful.

Thank you anak ilove you and i miss you too! ?????????????????

A video posted by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Transsexual ang role ni Paolo sa pelikula na entry rin sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2016 (MMFF 2016).

Paliwanag ni Paolo, “Kasi naman lumaki siya sa akin no'ng bata pa siya, bago siya pumunta ng Chicago.

“Nakikita na niya akong nagmi-makeup, yung high-heels ko.

“Yung mga laruan niya sa bahay mga wigs ko, so alam na niya na it’s part of the work.

“Pag may event sa school ako yung nagmi-makeup sa kanya, mahilig naman kasi, e.”

Hindi lang daw alam ni Paolo kung ano ang naglalaro sa isip ng anak nung nakikita siyang nag-aayos at nagdadamit-babae.

Hindi rin daw ito nagtatanong kung ano ba talaga ang kasarian ng kanyang ama.

Ano naman ang isasagot niya pagdating ng panahong tanungin siya?

“I’ll cross the bridge when I get there,” nakangiting tugon ng Eat Bulaga! co-host.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa nakaraang presscon ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers na ginanap sa Annabel’s Restaurant sa Quezon City kamakailan.

Huling nakita ni Paolo si Keira nuong April sa Los Angeles, California, at ngayon naman ay pinaghahandaan niya ang pagdating ng anak para magkasama sila sa Pasko.

Kuwento niya, “Last year, nag-Dubai kami, as much as possible gusto namin every year magkasama-sama kaming lahat.

“Since nakasama yung movie ko sa MMFF, dito lang kami para lagi akong ready.”

Ayon kay Paolo, pakiramdam niya ay may interes ang anak na pasukin ang showbiz, “Parang maarte, e.“

Aspiring model nga raw si Keira sa States, “Nakuha siya sa isang agency.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ba naman si Paolo na pag-artistahin ang anak?

Aniya, “Pag-aaral muna, pero oo naman kung kaya, saka kung gusto niya, depende yun sa kanya.

“Ang dami ngang nagmi-message sa akin, kasi marami akong kaibigang caster na may agency.

“Nagmi-message sa akin matapos nilang mapanood yung video, ‘Papuntahin mo sa office yung anak mo.’

“Mga gano'n. E nasa Chicago, nag-aaral.

“Kung bakasyon, kung puwede naman, why not?

“Definitely puwedeng-puwede siyang lumabas sa Eat Bulaga!, laging nanonood yun dun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN