Gina Alajar happy about son Geoff's blooming romance with singer GF

Direk Gina Alajar on son Geoff's blooming love life: "As a mother, ang happiness ng anak mo ang importante, 'di ba? And I can see that Maya is making my son smile. Iba ang ngiti ni Geoff these days."

 


Masaya si Direk Gina Alajar na nakikitang blooming din ang love life ng kanyang anak na si Geoff Eigenmann.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Gina sa event ng Rene Mouris Watches sa City of Dreams kamakailan.

Kasama ng mag-inang Gina at Geoff sa dinaluhan nilang event ang current singer-girlfriend ng aktor na si Maya.

Okey nga raw si Maya para kay Gina at wala siyang tutol dito.

Sabi niya, “Ang importante naman ay nakikita mong happy ang anak mo.

“Kasi bilang ina, nararamdaman mo ang anumang nararamdaman ng mga anak mo.

“Kahit mga lalake ang anak ko, I can feel what they feel.

“Ngayon, I feel happy because Geoff is happy with Maya.

“As a mother, ang happiness ng anak mo ang importante, ‘di ba?

“And I can see that Maya is making my son smile.

“Iba ang ngiti ni Geoff these days.

“I know na he’s really in love right now.

“Kung ganyan naman ang resulta, sino naman ako para humadlang pa sa kaligayahan ng anak ko?

“Basta nakikita ko silang masaya at hindi nasasaktan, I am in full support sa kung sino ang karelasyon nila ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN