Janno Gibbs happy about Ogie Alcasid's recent move to Kapamilya network

IMAGE Glen Sibonga

Janno Gibbs jokes about good friend Ogie Alcasid's recent transfer to ABS-CBN: "Oo nga, papagalitan ko na nga siya, e. Pumunta siya ng TV5, sumunod ako. Tapos, umalis na naman siya. Sundan ko kaya siya?"


Idinaan na lang sa biro ng Kapatid star na si Janno Gibbs ang pagsagot sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nalulungkot na iniwan na naman siya ng kaibigan niyang si Ogie Alcasid matapos itong lumipat sa ABS-CBN mula sa TV5.

Ipinakilala na nga bilang bagong Kapamilya si Ogie kamakailan sa trade launch ng ABS-CBN, kung saan magiging hurado ito ng Your Face Sounds Familiar Kids kasama sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

“Oo nga, papagalitan ko na nga siya, e.

“Pumunta siya ng TV5, sumunod ako.

“Tapos, umalis na naman siya. Sundan ko kaya siya?” biro ni Janno.

Matatandaang unang iniwan ni Ogie si Janno nang mula sa GMA-7 ay lumipat ang singer-songwriter sa TV5. Tapos ay sumunod nga si Janno sa TV5.

Nag-usap na ba sila ni Ogie?

Aniya, “Oo, ibinalita niya lang sa akin.

“Nagsabi lang siya. Sabi niya, ‘Pare, may show na ako sa 2. Kinukuwento ko lang sa iyo.’

“Sabi ko, ‘Congrats’”

Hindi ba niya tinanong si Ogie kung bakit iniwan na naman siya?

“Hindi, hindi naman. At saka ko na siya titirahin,” sabay tawa ni Janno.

Dahil nga matalik na magkaibigan naman sila, naiintindihan at sinusuportahan daw nina Janno at Ogie anuman ang maging desisyon ng bawat isa.

Dagdag pa niya, “Oo, nagkakaintindihan naman kami.

“Actually, noong lumipat ako dito sa 5, kahit si Ogie nagulat, hindi niya alam na lumipat ako dito.

“Medyo na-shock din siya noong nabalitaan niya na lumipat ako dito.

“So, sa amin naman wala yun. Sa amin, mas masaya kung magkasama kami.

“Pero kung hindi kami magkasama, okay lang, kasi totoong magkaibigan naman kami in real life, parang magkapatid na kami niyan.

“So, kung saan man ang isa… masaya kami sa triumphs, success ng bawat isa.”

Nakausap ng PEP si Janno bago magsimula ang company Christmas party ng TV5, kung saan isa siya sa mga performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naturang party na may titulong #Pasko 2K16 Game On ay ginanap noong Biyernes ng gabi, Disyembre 2, sa TV5 Novaliches. Present sa party ang mga empleyado at executives ng TV5 sa pangunguna ng bagong president na si Chot Reyes.

STAYING WITH TV5. Si Janno naman ay mananatili muna sa TV5 dahil may kontrata pa siya sa network.

Paglinaw niya, “Ako naman matagal pa ako dito sa 5. Hanggang next year pa ang contract ko.”

Positibo naman siya na may bagong shows na gagawin ang TV5 next year.

Lahad pa niya, “Mukha namang magiging maganda ang direksyon ng TV5 sa 2017.

“Sana, sana kasama ako doon. I’m always positive naman.

“Kahit tanungin niyo yung mga bossing ng TV5, I go to their offices.

“Ako mismo nagpi-pitch ako ng sarili kong shows.

“Pumupunta ako doon e, tapos nakikipag-meeting ako, ‘Gusto niyo gumawa tayo ng ganitong show?’ kasi sumusulat naman ako, e.

“So, sana, hoping ako. Well, mayroon na kaming pinag-usapan na show, e.

“Sana matuloy iyon kasi ako ang nagbuo nun e. Ako ang nagbuo, concept ko. Sabi nila, next year.”

Sitcom daw ang format ng show na ito, ayon pa kay Janno.

OTHER PROJECTS. Habang wala pang ginagawang show si Janno sa TV5, may iba pa rin naman daw siyang pinagkakaabalahan.

Saad niya, “Singing. I still do singing engagements sa mga mall.

“Yung bagong album ko tinatapos ko.

“Kung hindi ako nagkakamali, pang-tenth album ko na ito.

“Naglabas pa lang ako ng isang single. Hindi pa tapos yung whole album e, mga kalahati pa lang siya.

“So far, puro original, pero lagi naman akong nagsisiksik ng revival din e, one or two, kasi nire-request sa akin iyon.”

Ang single na nai-release na ni Janno digitally ay ang kantang “Get It On.” Available ito for downloading via iTunes, Spotify, Amazon at iba pang digital stores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong record company ang magre-release ng album niya?

Sabi niya, “Kasi contracted pa rin ako with GMA Records.

“Mabait naman sila. Sige may kontrata ka sa amin, ituloy natin, ipo-promote natin iyan, sabi nila.

“So, medyo mahirap, kasi nasa TV5 nga ako ngayon.

“Pero mabait naman ang parehong networks e.”

Buti nga raw mabait ang TV5 dahil pinapayagan siyang gumawa ng ibang proyekto sa ibang network.

“Pag nagpaalam naman, okay naman sa TV5.

“Well, nag-guest ako doon sa Ang Probinsyano concert. Nagpaalam ako sa Channel 5.

“Okay naman pinayagan naman. Mabait naman sila e,” pagpapasalamat niya.

CHRISTMAS WITH FAMILY. Dahil nalalapit na ang Pasko, ano ang plano ni Janno at ng pamilya niya?

“Dito lang kami.

“Usually naman, pag Pasko dito lang kami.

“Yung New Year ang naiiba. Puwedeng dito, puwedeng sa Australia.

“Kasi citizens yung kids ko doon, e.

“Si Bing resident, so puwede doon, maaari.”

Ang mahalaga raw ay sama-sama silang pamilya sa Pasko at Bagong Taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN