Rich Asuncion happy for StarStruck batchmate Prince Stefan's coming out

IMAGE Rommel Gonzales

Rich Asuncion on her StarStruck 4 batchmate Prince Stefan's coming out: "Ayaw patalo, di ba? Luma-lovelife din siya. Happy ako talaga for Prince kasi he has nothing to hide now."


Ikinatutuwa ng Kapuso actress at StarStruck 4 First Princess Rich Asuncion ang pag-out ng kanyang kasabayan sa StarStruck na si Prince Stefan.

Si Prince ang naging First Prince or first runner-up sa StarStruck 4.

Ayon kay Rich noong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA-7 teleserye na Ika-6 Na Utos noong nakaraang November 29, noon pa raw siyang may hinala na may pagka-bading si Prince.

“Siyempre noon, mga baguhan pa lang kami, doon lang naman kami sa StarStruck nagkakilala lahat.

“May mga nagsasabi na sa akin na ganito si Prince.

“Pero siyempre, hindi naman ako agad naniniwala sa ganung mga tsismis kasi mabait naman yung tao tsaka naging close kami dahil pareho kaming taga-Visayas.

“Pero noong kami na lang naiwan sa Final 6, nagkakasama kami kunsaan-saan dahil sa StarStruck.

“Doon ko na napansin na may medyo malambot nga siya.

“Nai-confide ko iyon sa isang tao, pero nakarating kay Prince iyong sinabi kong iyon,” pag-alala pa ni Rich.

FALLING-OUT. Dahil sa sinabing iyon ni Rich ay nagkaroon sila ng tampuhan ni Prince.

“Nagtampo pa nga ‘yang si Prince sa akin kasi parang na-offend ko raw siya.

“Bakit ko raw nasabi iyon, e magkaibigan pa naman kami?

“Siguro nga that time, baka confused pa siya or ayaw lang niyang may makahalata. Kaso ako ramdam ko na.

“Naging issue iyon sa aming dalawa. Pero naayos din naman.

“Pero tingnan mo naman ngayon, hindi na niya kailangan magtago pa.

“Kahit na hindi pa kami nagkikita or nagkakausap pa ulit, ang masasabi ko lang ay, 'Happy ako sa ‘yo friend!'

“You are free as a bird!” masayang tugon pa ni Rich.

Ikinatutuwa pa ni Rich na hindi na takot ipagmalaki ni Prince ang kanyang pagiging gay at pati na ang lovelife nito sa social media.

“Ayaw patalo, di ba? Luma-lovelife din siya.

“Happy ako talaga for Prince kasi he has nothing to hide now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kita mo naman, ang dami niyang trabaho ngayon. Marami ang gusto siyang makatrabaho.

“Iba na ang aura niya talaga dahil may nagpapaligaya na rin sa kanya.

“In fairness, ang guwapo ng jowa niya ha!

“Kaya maligaya ako para sa kanya.

“And I wish him all the best kasi napakabait niyang tao noon pa man.

“He deserves the happiness he’s getting right now,” ngiti pa ni Rich.

HAPPY FOR JESI. Samantala, hindi naman daw nagulat si Rich sa pagiging “transman” ng isa pa niyang ka-batch sa StarStruck na si Jesi Corcuera.

Kabilang ngayon si Jesi sa PBB Lucky Season 7 ng ABS-CBN at kilala ito bilang “Transman ng Cavite.”

Pahayag niya, “Ay, noon pa naman talaga, out na si Jesi.

“Talagang lesbyana na siya noon at never naman niya tinago.

“Matagal ko na rin siyang hindi nakikita, kaya nagulat ako noong nasa kabilang network na pala siya.

“Though hindi ko pa siya nakikita sa TV, may nagsabi sa akin na ‘Uy, yung ka-batch mong si Jesi, lalaking-lalaki na. Transman na!’

“Siyempre ako, natuwa naman ako kasi yun naman ang gusto ng tao noon pa.

“Pero ang gandang bata niyang si Jesi.

“Noong pinag-dress nga namin ‘yan dati, ang ganda niya talaga.

“Kaya kung ang pagiging transman ang ikaliligaya ni Jesi, then go for it.

“Walang dapat humadlang sa kaligayahan ng isang tao.

“Kaya masaya ako para kina Prince and Jesi dahil they followed their hearts—they chose happiness.”

NEW BUSINESS VENTURE. Ngayong Pasko ay hindi raw tuloy ang dapat na bakasyon ni Rich sa Australia kasama ang boyfriend niyang si Benj Mudie ng Philippine Volcanoes.

Kakabukas lang kasi ng nail salon business nila ni Ben sa Bonifacio Global City (BGC) na Nail Cocktales Hand and Foot Spa.

Hindi raw maiwan ni Rich and kanilang negosyo dahil alam niyang kapag December ay maraming mahilig pagpa-foot spa dahil sa pagod sa kaka-shopping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin daw ang magpapa-manicure and pedicure dahil sa mga party na dadaluhan ng mga magiging customers nila.

“December is a busy season sa pagpapaganda kaya ayokong iwan ang business namin.

“Mahirap nang ipagkatiwala mo sa iba dahil bago pa lang ito.

“Hindi ko naman puwedeng isara dahil sayang ang kikitain ng business.

“Kaya sabi ko kay Benj, siya na lang ang pumunta ng Australia for Christmas. Baka kasi inaasahan siyang umuwi ng family niya.

“Ako naman, I can always go home sa Bohol on Christmas at mabilis akong makakabalik ng Manila.

“Pero ang nakakatuwa, hindi na aalis si Benj at sasamahan niya ako dito sa Pilipinas for Christmas.

“Naisip din niya na business namin itong dalawa at kailangan na nandito rin siya para tulungan ako.

“Natuwa naman ako kasi it means na importante itong ginagawa namin and he’s sacrificing his holiday with his family para rito.

“Sabi ko naman na baka isipin ng family niya na pinipigilan ko siya.

“Sagot naman niya na they will understand, and worth it naman daw ang pag-stay niya kasama ako.

“Kaya doon ko nakita how much he loves me and the things that are important sa buhay ko,” pagtatapos ni Rich.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN