Ruru Madrid says "I love you" twice in his birthday message for Gabbi Garcia

IMAGE Instagram photo of Ruru Madrid

As a fitting birthday greeting for love team partner Gabbi Garcia (left), Ruru Madrid (right) posted a photo collage of some of their best "twosome" shots on his Instagram account last December 2. In the said post, the Kapuso teen star sounded profusely sweet and sentimental, and even said "I love you" twice.


Kabilang ang Kapuso teen actor na si Ruru Madrid sa mga bumati kay Gabbi Garcia noong madaling-araw ng December 2, na ika-18 kaarawan ng kanyang ka-loveteam sa GMA telefantasya na Encantadia.

Nag-post si Ruru sa Instagram ng isang collage ng mga photos nilang dalawa ni Gabbi at sa caption nito ay dalawang beses niyang binanggit ang mga salitang “I love you.”

Patunay kaya ito na hindi na mapigilan ni Ruru na ipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kanyang ka-loveteam?

Heto ang pinost ni Ruru:

“Happy birthday sa kapantay ng kagandahan ni Mama salamat dahil lagi ka nandyan for me everytime na may problem ako ikaw lagi tumutulong sa akin.

“Promise ko sayo sa lahat ng problems mo sa buhay lagi ako nandito for you kahit kailan never ako mawawala sayo im always here for you promise ko din sayo lagi kita pasasayahin everyday i love you Ba!

“@_gabbigarcia nawitness ko lahat ng achievements mo sa buhay abd super proud ako sayo and I know na deserve mo lahat ng meron ka ngayon dahil super mapagmahal ka ,Talented maalaga I love you so much!”

Sa gitna ng kanyang debut preparations ay nagte-taping pa siya para sa Encantadia.

Naisukat na ng Kapuso young actress ang tatlong gowns (gawa ng designer na si Mark Bumgarner) na isusuot niya para sa naturang event.

Ang pinaka-debuntante gown ni Gabbi ay isang green serpentine gown.

“I really requested na lagyan ng touch of green yung debut.

“Napamahal na rin sa akin yung character ko sa Encantadia, and ang daming naging symbol sa akin ng green. It’s the symbol of success,” diin pa ni Gabbi.

Noong nakaraang taon pa raw pinlano ang debut na ito ni Gabbi at nasunod naman daw ang lahat ng hiniling niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang theme ng debut ko is very minimalist lang.

“So ayun, it’s simple, it’s sincere, it’s something intimate,” detalye niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN