Geoff Eigenmann open to possibility of working again with ex-GF Carla Abellana: "Wala namang imposible."

IMAGE Instagram photo of Maya (blushmaya)

Geoff Eigenmann (shown with girlfriend Maya) doesn't discount the possibility of working again with ex-GF Carla Abellana: "Honestly ako, at this point I'm open to anything. I doubt it will happen, pero ako, open naman ako sa kahit ano. Wala namang imposible."


“Still waiting,” ang sagot sa amin ni Geoff Eigenmann kung ano ang susunod niyang Kapamilya project matapos ang stint niya sa Be My Lady na kakatapos lamang umere sa ABS-CBN.

Pero dahil wala siyang kontrata sa ABS, puwede siyang gumawa muli ng proyekto sa GMA.

“Yeah, yeah! As of now, I’m not tied to anyone,” diin niya.

Huli niyang regular na proyekto sa GMA ay ang Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama si Max Collins noong May 2015.

Ano ang nakapagpa-desisyon sa kanya na bumalik sa ABS?

“Actually, it wasn’t my decision, it was Perry’s,” paglinaw niya.

Ang showbiz career ni Geoff ay nasa pangangalaga ng PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan.

“It was Perry who made the decision. I just go with whatever he says,” dagdag ni Geoff.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa Philippine launch ng French luxury timepieces/watches na Rene Mouris sa grand ballroom ng City of Dreams Manila noong Linggo, November 27.

Hindi pa raw alam ni Geoff ang susunod na project niya sa Kapamilya network.

Pag-amin niya, “According to Perry, there is already.

“Still with ABS, but wala pang definite date kung kailan mag-i-start.

“And wala pa akong balita kung anong show and kung sino ang mga makakasama ko.”

HAPPILY IN LOVE. Masaya ang love life ni Geoff ngayon sa piling ni Maya, isang singer na talent din ng PPL Entertainment, Inc.

Sampung buwan na ang relasyon nila.

Sa tanong namin kung paano magka-girlfriend ng isang singer, natatawang sagot ni Geoff, “Iba, masarap!

“Kasi lagi kang puwedeng kantahan.

“Ako, one of the things that really attracted me to her is her voice, so I love watching her during her gigs.

“Tapos, kumakanta din siya dun sa restaurant namin sa Stockpile.”

Unang beses na isang singer ang GF ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago si Maya ay si Carla Abellana ang karelasyon ni Geoff.

WILLING TO WORK WITH CARLA. Kung sakaling may offer sa kanya ang GMA na isang teleserye na si Carla ang kapareha, tatanggapin ba ni Geoff?

Mabilis niyang sagot, “Honestly ako, at this point I’m open to anything.

“I doubt it will happen, pero ako, open naman ako sa kahit ano.”

“Wala namang imposible.

Kaya tatanggapin daw niya kung may ganoong offer.

Aniya, “Yeah, why not? A show is a show, for me it shows maturity also, kung mangyayari yun.

“We’ll see if it does happen, we’ll see.

“Ako open ako, walang problema sa akin.”

Work is work, ayon pa rin kay Geoff.

Magkaibigan pa rin ba sila ni Carla?

“I haven’t seen her since we broke up,” saad niya.

Ni minsan raw, kahit biglaan ay hindi nag-krus ang landas nila ni Carla.

At dahil hindi nga sila nagkikita, hindi masasabi ni Geoff kung magkaibigan ba sila ni Carla o hindi.

Ni text-an ay walang namamagitan sa kanila ng ex-GF niya.

So hindi sila friends?

“Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Pero hindi rin naman sila enemies?

“Wala, no title, I guess...

“Yeah, walang kahit ano, no contact, nothing.

“There’s a reason things end, di ba? So yun na yun.

“Kung hindi sinasadya ay nagkita silang bigla ni Carla, una ba siyang babati?

“Whatever. Yeah, why not?

“I wouldn’t really know until it happens,” pag-amin niya.

Sa tingin ba ni Geoff ay mauuna siyang babati kay Carla?

Ani Geoff, “Feeling ko yeah, most probably.”

ANDI-JAKE-ELLIE ISSUE. Ano naman ang komento ni Geoff sa isyu kamakailan nina Andi Eigenmann (na pinsan ni Geoff), Albie Casino at Jake Ejercito kung saan na-reveal na nga na si Jake ang ama ng anak ni Andi na si Ellie?

“Well, when it comes to that I don’t wanna say anything kasi I wouldn’t wanna say anything kung bakit nagka-whatever-whatever, kasi ganun nagsimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think the best is to ask Andi na lang.

“But for me, well, the cat is out of the bag, so yeah!

“Yun na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN